Enrique, hands-on sa Killer Hospital...; Liza, busy sa Hollywood Horror Film

Strange Frequencies Stars
STAR/File

“I loved it. I adore him. I look up to him. I think he’s very cool. And I’m inspired to be like him,” papuri ni Rob Gomez kay Enrique Gil na nakatrabaho niya for the first time sa Metro Manila Film Festival entry na Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital.

Bukod kay Enrique, bilib din si Rob sa mga iba pa niyang kasama sa pelikula, na dubbed as the ‘Philippines’ very first meta found footage horror film’ na kinunan pa sa Taiwan.

Inaasahan na malakas ang magiging impact nito sa mga manonood at mga kritiko – reimagined style of filming technique. “Kami ang nag-shoot ng film. May flow lang kaming sinundan,” sabi pa ni Rob sa nasabing approach ng kanilang pelikula na mag-uumpisang mapanood sa Pasko.

Aside from Enrique na bida at producer ng pelikula, Rob, mapapanood din dito sina Jane de Leon, MJ Lastimosa and Alexa Miro with tarot reader Raf Pineda and content creator na si Ryan “Zarckaroo” Azurin.

Si Zarckaroo na isang local video creator ang nagsilbing director ng mga eksena nila sa Xinglin Hospital na isang abandoned hospital sa West Central District, Taiwan.

Kaya naisip nila na baka naman pwede si Liza Soberano (na napanood na sa Lisa Frankenstein). Kaya naisingit ang tanong kay Enrique as a producer din, ba’t ‘di nila kinuha si Liza.

“Masyado siyang busy sa susunod niyang movie na horror sa Hollywood. She is really focused on her US career. Dami niya auditions and events doon. We are focused on our careers,” sagot ng actor sa ilang kaharap na entertainment media sa ginanap na interview sa kanila nina Rob and Alexa.

Anyway, ang pelikula ay produced by Erik Matti with veteran filmmaker Dondon Monteverde and in partnership with Enrique at ito ay adaptation of a Korean box office hit film – 2018 found footage supernatural horror film na idinirek ni Jung Bum-shik, Gonjiam: Haunted Asylum.

Ang Gonjiam: Haunted Asylum ay isang commercial hit sa South Korea na umakit ng higit sa 2.6 milyong mga manonood at U$21 million sa box office, na naging pangalawang pinakamala­king gross para sa isang Korean horror film noong 2018 kaya inaasahan ding kikita sa Pasko ang Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital.

HLA gumawa ng kasaysayan sa takilya, palabas sa higit 1,000 sinehan sa buong mundo

Gumawa ng kasaysayan ang Hello, Love, Again matapos itong magtala ng pinakamataas na box-office record para sa isang local film sa opening day ng pelikula sa bansa. Umabot sa P85 milyon ang kinita nito sa takilya sa unang araw ng pagpapalabas noong Nobyembre 13.

Ipinapalabas nga ang pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na pelikula sa mahigit 600 sinehan sa bansa at ipapalabas din sa higit 400 sinehan sa iba’t ibang bansa ngayong buwan.

Dinagsa ng mga tao ang mahigit 70 sinehan sa iba’t ibang bahagi ng bansa noong Miyerkules para sa midnight screening ng Hello, Love, Goodbye sequel na mula sa direksyon ni Cathy Garcia-Sampana.

Ibinahagi ni Kathryn ang nais niya na maramdaman ng moviegoers mula sa panonood ng Hello, Love, Again na magpapatuloy ng kwentong pag-ibig nina Joy (Kathryn) at Ethan (Alden) sa Canada.

Aniya, “Just like what Direk Cathy said, ang pangako lang namin sa inyo sa pelikulang ito, puso ang ibibigay namin. So I hope after watching this film ‘yun ang maramdaman niyo ‘di lang kay Joy and Ethan kung ‘di dahil sa buong pelikula.”

Samantala, nagpasalamat naman si Alden sa mga sumusuporta sa pelikula.

Bukod kina Kathryn at Alden, kasama rin sa bonggang film collaboration ng Star Cinema ng ABS-CBN at GMA Pictures sina Joross Gamboa, Valerie Concepcion, Jennica Garcia, Kevin Kreider, Jobert Austria, Mark Labella, Marvin Aritrangco, Ruby Rodriguez, at iba pa.

Nag-trending din agad sa X ang iba’t ibang topics hango sa pelikula, kasama na ang HLATheWorldPremiere, KATHRYN AS JOY IS BACK, ALDENat HLAxPremiere, HELLO AGAIN ETHANandJOY, at #HelloLoveAgain.

Show comments