Kathryn, lumaban ng laplapan kay Alden!

Kathryn Bernardo at Alden Richards
STAR/File

Sobrang sigasig ng KathDen fans, pati Aldena­tics at solid fans ni Kathryn Bernardo, dahil maaga pa lang ay nasa mga sinehan na sila para sa opening day ng pelikulang Hello, Love, Again.

Sa premiere night nga nung Martes sa SM Megamall ay dumagsa na sila. At pagkatapos pala ng premiere night ay may midnight screening pa sa 72 cinemas.

Pero ang latest na pino-post nila ay nasa 500 cinemas na ito nationwide. Kaya ang taas talaga ng expectations sa pelikulang ito na inaasahang mahigitan pa ang box-office record ng Hello, Love, Goodbye.

At inaabangan ng iba kung malalagpasan ba nito ang number one movie na Rewind.

Bukod pa riyan, nag-hit din ang Un/happy For You nina Joshua Garcia at Julia Barretto, kaya may ganung challenge itong pelikula ng KathDen.

Sa mga nakapanood pa lang sa premiere night ay sobrang puring-puri nila ang pelikula. Mas maganda raw itong Again... kesa sa Goodbye...

Ibang-iba raw dito si Kathryn na talagang lumaban daw ang laplapan kay Alden. Pero sabi naman ng iba, mas matindi pa rin daw ang halikan nina Alden at Julia Montes sa Five Breakups and a Romance.

Pero ang mahalaga maging box-office hit, at sana nga maabot ang tina-target nilang P50M ang first day nito.

Ang susunod na challenge nito ay may haharapin pa silang malalakas na mga Hollywood films na magso-showing sa mga susunod na linggo; ang Moana 2 at Gladiator 2.

Rhian, ayaw sa pulitika!

Kung si Rhian Ramos ang masusunod, ayaw niya sana talagang pasukin ni Cong. Sam Verzosa ang pulitika.

Nakatsikahan namin si Rhian sa media conference ng pelikula niyang Huwag Mo ‘Kong Iwan na magso-showing sa Nov. 27, at inamin niyang nung sinabi sa kanya ni Cong. Sam na tatakbo itong Mayor ng Maynila, naka-“huwag” daw siya. “I trust in Sam’s decision for everything. Mostly, dahil alam ko ginagawa niya para sa tamang dahilan, at dahil pure talaga ‘yung puso niya.

“But to be honest, nung sinabi niya ‘yun, sabi ko ‘huwag!’ ‘Yun, ‘yung una ko talagang reaction, sabi ko, ‘huwag!’

“Actually, nung Congress pa lang sinabi ko nang ‘huwag!’ Ayokong masali sa world na ‘yan, parang ganun. But I understand why he would like to run for mayor especially he’s from Manila, that’s where he grew up, his heart is really there,” saad ng Kapuso actress.

Kaya naman very visible si Rhian sa pag-iikot ni Cong. Sam sa Maynila. Sa Manila Hotel ginanap ang mediacon ng pelikula nila, kaya tinanong na rin namin kung may nakapagsabi na ba sa kanyang handa na ba siyang maging first lady ng Maynila. “Kung mangyari man, I will be happy about it. Not for myself, not because it’s my dream, kasi never ko naman siya naging dream. But, I will be happy because I know that it went to the person with a pure heart, and kahit hindi naman ako ano… ayoko naman sumali sa anything political, I believe that Sam is really doing it for the right reasons and that he wants to make a really big and good difference.”

Hindi pa raw niya naiisip na sa Maynila sila magpakasal, pero nabanggit sa amin ni Rhian na 35 years old daw ang marrying age para sa kanya, at 34 na siya ngayon.

“Kunwari ‘pag may napapanood kaming movie tapos may mga eksena, na ‘uy pag wedding natin, ayoko ng ganyan ha?’ Kunwari, may mga ganung biruan lang. No plans pa naman talaga. Actually, I always dream of ano… 35 being my perfect ideal mar­rying age. Yes, and I am 34,” pakli ng Kapuso actress.

Pero handa naman daw siya kung sakaling mag-propose na sa kanya si Cong. Sam Verzosa.

Show comments