Jodi at Fyang, nagulantang sa sampung libong fans
Damang-damang ng Kapamilya stars mula sa Lavender Fields, Pinoy Big Brother Gen 11 at Pamilya Sagrado ang mainit na pagtanggap ng mga taga-San Pedro Laguna na dumagsa at pinuno ang mall sa BidaKapamilya event noong Linggo (Nobyembre 10).
Bago pa man daw nagbukas ang mall, nakapila na raw ang fans para makita up-close ang kanilang mga idolo at mapanood ang ito nang live.
Ayon nga sa security team ng mall, umabot sa lampas sampung libong Kapamilya ang pumunta sa event. Ani ng lead star ng Lavender Fields na si Jodi Sta. Maria, “Napakasarap sa loob na makita na maraming sumusuporta na mga taga-San Pedro sa lahat ng ating shows. I think ito ‘yung perfect time for us na makisalamuha sa kanila and maging pasasalamat na rin ito sa suporta na ibinibigay nila.”
Hindi naman makapaniwala ang big winner ng PBB Gen 11 na si Sofia “Fyang” Smith sa ipinakitang pagmamahal ng fans sa kauna-unahan niyang Bida Kapamilya event kasama ang ex-housemates na sina JM Ibarra, Dingdong Bahan at Patrick Ramirez.
- Latest