Eh weno naman ngayon kung nagde-date na si Bea Alonzo ‘di ba? She deserves it! Pero kawawa naman yung hindi taga showbiz na taong nalalantad at nawawalan ng privacy eh baka nagpa-picture lang kasama ni Bea, meron na agad judgment ang ibang netizens. Hay naku, kung ano ang makapagpapaligaya sa iyo, basta’t wala ka namang tinatapakang tao, go for it! Life is short! You don’t delay happiness and joy, ‘di ba?
Sexy star at kilalang politiko seryosohan na!
After ng hiwalayang Javi Benitez at Sue Ramirez, bakit hindi pa rin mawala wala ang balita tungkol sa relasyon ng isang sexy star at isang kilalang politiko?
Balitang pursigidong makipaghiwalay na ang politiko sa kanyang asawa para kay sexy star.
Hayyyy, ito na kaya ang kapalaran ni sexy star na minsan na ring na link sa isa pa ring politiko.
Mabili talaga si sexy star sa mga ganu’n ha!!!
Lost..., walang stand?!
Matapang, eyeopener ang Lost Sabungeros. Pero ganu’n na lang ba talaga ‘yun? Parang hindi na explain at naipakita nang buo ang kalakaran sa e-sabong.
At kapag tinanong kung bakit dinukot ‘yung mga nawawalang sabungero, ang naging explanation ay ang pagtatangka ng ilan na mandaya sa kanilang mga manok o pagtsotsope.
Sabi ng isang filmmaker, “Ayun na nga. The film just said that they cheated sa sabong, that’s why they were killed?”
Kulang ang kuwento, ‘di ba?
“So the film expected us to sympathize with the Lost Sabungeros? Tapos sa ending, nakipag-ettle na rin pala sila? Ano ang stand ng dokyu du’n ‘di ba?”
Ikot ng tadhana!
Nagkakatanungan tuloy kung sinu-sino ang nakatanggap ng Love Boxes mula sa kilalang aktres noong panahon ng pandemya. Kasama ba ito sa paghuhugas ng kamay sa e-sabong money na noo’y napakalakas pa?
Grabe ang ikot ng tadhana talaga!
Nakakataquote:
Sino kaya ang pinariringgan ni Moy Ortiz ng The Company sa post na ito?
Aabangan na lang natin kung sino ang nag-back out o nag-iba ng isip sa gaganaping engradeng Pinoy Playlist Music Festival kung saan isa si Moy sa mga curators. Siguradong sapul ‘yun!!!
In any case, bongga pa rin ang Festival na ito dahil LIBRE ang lahat ng magagandang OPM concerts!!!
“Be forewarned. No one can build a lasting career without integrity in one’s word. Everything passes - fame, fortune and clout. Only Integrity and Kindness last. #shotsfired”