Bea, paganda ang post sa halikan nina Dominic at Sue!
Pinag-usapan din ang paghihiwalay nina Mayor Javi Benitez ng Victorias, Negros at Sue Ramirez. Bakit kinailangang maglabas ng statement tungkol dito? Dahil na sa kumalat na kissing video at photos nina Dominic Roque at Sue Ramirez?
So ito na ba ang rebound love affair ng mga starlet? Abangan natin kung mag-react man lang si Bea Alonzo rito.
Aiai, ilalantad ang nangyari sa kanila ni Gerald
So magsasalita raw ngayon si AiAi delas Alas tungkol sa kanyang pakikipaghiwalay sa asawang si Gerald Sibayan. Call it a birthday revelation?
Bakit niya kailangang media activity ito? Tuloy ang pinag-uusapan ng mga tao ay ang malaking naiambag ni AiAi delas Alas sa buhay ni Gerald.
It can be recalled na ipinakilala ni AiAi si Gerald sa publiko noong 2014 when he was a 20-year-old badminton player at De La Salle University. Pinag-aral niya ng pagpa-pilot sa US at ginawang resident ito ng Amerika.
Pelikula nina Daniel at Zanjoe, nanahimik!
Matutuloy na ang shooting ng pelikulang How To Get Away From My Toxic Family with Zanjoe Marudo to be directed by Lawrence Fajardo. At sinehan talaga ang target nitong paglalabasan ha! Good luck!
Ang tanong, ano na ang nangyari sa Star Cinema movie ni Zanjoe na kasama si Daniel Padilla sana? Tuloy pa ba ‘yun?
Pokwang, nag-emote sa nasimot na pera
‘Di napigilang maiyak ng komedyanteng si Pokwang sa kaniyang IG Live makaraang masimot ang halagang P85K na laman ng kaniyang GCash.
Paano nangyayari ‘yun?
Pero kinailangan din talaga ni Pokwang ng ganu’ng kalaking reaksyon sa social media? Talaga?
Nakakataquote:
“Tulad ni Daniel sa kwento na nangarap lang at tinupad naman ng mundo, ako rin ay nangangarap na matunghayan itong aming munting pelikula ng mga kababayan natin sa buong bansa. Kaya sana samahan ninyo kami sa pagtupad ng pangarap na ito, upang maibahagi sa kapwa natin Pilipino ang kwento ng Moneyslapper.”
– Direk Bor Ocampo ng Moneyslapper after having rejected twice sa Metro Manila Film Festival, heto’t palabas na sa QCinema.
- Latest