Arthur Miguel, may musical treat sa open air Cinema One
Maagang pamasko ang hatid ng Open Air Cinema One tampok ang fantasy comedy films na Wonka at Charlie and the Chocolate Factory na libreng mapapanood sa Nobyembre 30 (Sabado) sa Capital Commons, Pasig City.
Hatid ng Open Air Cinema One kasama ang Ortigas Land, Capitol Commons, at Estancia ang isang araw na puno ng musika, pelikula, at mga palaro na swak para sa pamilya at barkada.
Samahan ang magical adventure ni Willy Wonka mula sa pagiging chocolate genius sa mga pelikulang Wonka at Charlie and the Chocolate Factory na binigyang buhay nina Timothée Chalamet at Johnny Depp.
May handog din na musical treat ang Lihim hitmaker na si Arthur Miguel para sa mga manonood habang pangungunahan naman ito ni Aiyana Perlas bilang host.
Bukod sa movie screening at musical performance, may iba’t ibang booth at on-stage games, pet fashion show, at food stalls din ang nakahanda para sa mga bisita.
Makisaya sa OpenAir Cinema One na gaganapin ngayon Nobyembre 30 (Sabado) sa Capitol Commons, Pasig City. Available ang Cinema One, ang tahanan ng Filipino blockbuster movies, sa SKYcable ch. 56, Cignal ch. 45, GSat Direct TV ch. 14, at iba pang local cable service providers. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Cinema One sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok at YouTube.
- Latest