Ogie at JC, mananatiling Kapamilya!
Forever Kapamilya pa rin ang OPM icon na si Ogie Alcasid at versatile actor na si JC de Vera matapos nila muling pumirma ng exclusive contract sa ABS-CBN nitong Nobyembre 4.
Ibinahagi ni Ogie ang kasiyahan niya sa tuwing natatawag siyang isang Forever Kapamilya.
“Kapag sinabing Kapamilya ka ang sarap sa puso and I mean that. It comes with feeling the honor, the distinction, and the privilege to serve. Ang sarap ng pakiramdam maging Kapamilya forever. Thank you so much for the trust and let’s keep doing it,” saad niya.
Sa kanyang pagpapatuloy bilang isang Kapamilya, mapapanood pa rin siya ng viewers sa It’s Showtime at ASAP.
Pagbabahagi niya na iba ang nararamdaman niyang saya sa tuwing umaapak sa parehas na show lalo pa sa tuwing nakikita niyang napapasaya nila ang madlang people.
Tulad ni Ogie, labis din ang pasasalamat ni JC sa pagtitiwala ng network at patuloy na pagbibigay nito ng oportunidad sa kanya.
Aniya, “I want to take this time to tell everyone how thankful and grateful I am for this day. Sa ABS-CBN kasi kineep pa rin ako. They will be needing my services pa rin. I just want everyone to know that I am still growing as an actor. Alam mo na patuloy pa rin tayong binibigyan ng magagandang opportunities. I am still challenged and motivated.”
Dagdag pa niya na simula nang maging Kapamilya siya ay kabila’t kanan siyang binigyan ng roles na tumulong sa kanyang gumaling sa kanyang craft bilang isang aktor.
Dapat din daw abangan ng publiko ang susunod niyang gagawin lalo pa at kakaiba raw ito sa mga dating pa niyang nagawa.
Kasama nina Ogie at JC sa Forever Kapamilya Network Contract Signing event sina ABS-CBN chairman Mark Lopez, president at CEO Carlo Katigbak, chief operating officer Cory Vidanes, group chief financial officer Rick Tan, TV production head Laurenti Dyogi, at ang manager nila na si Rey Lanada.
Samantala pwede ring balik-balikan ng manonood ang Forever Kapamilya Network Contract Signing nina Ogie at JC sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment.
- Latest