MANILA, Philippines — Last three weeks na lang ang Pamilya Sagrado.
Kaya level-up na makapigil-hiningang mga komprontasyon na ang masasaksihan ng mga manonood sa huling tatlong linggo ng Kapamilya teleserye.
‘Yup, mangyayari na ang pinaka-inaabangang paghaharap nina Piolo Pascual, Grae Fernandez, at Kyle Echarri, sa isang maaksyong labanan para sa hustisya na mula sa special guest director na si Coco Martin.
Mapapapanood ang pagtatapos ng Pamilya Sagrado sa Nobyembre 15 ng 9:30 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, at TFC.