Sanya, nanlamig sa halik ni Alden

Sanya Lopez

Mainit na pinag-usapan ng mga manonood ang tungkol sa kissing scene nina Sanya Lopez at Alden Richards sa Pulang Araw. Ayon sa Kapuso actress ay kinailangan pa nilang ulitin nang ilang beses ang eksena dahil napapanood din ang naturang serye ng GMA sa Netflix. “Sobrang hot. Sa totoo po niyan, dalawang beses namin ginawa ‘yon, Tito Boy, ‘yung eksena na ‘yon. ’Yung una kasi no’n, ‘yung original, nakadamit kami, Tito Boy. Tapos parang sinabi nila since nga po sa Netflix ito ilalabas naman, kumuha sila ng talagang topless. Topless kami pero may cover naman po kami because nag-go si Alden, go din naman ako that time,” nakangiting kwento sa amin ni Sanya sa Fast Talk with Boy Abunda.

Aminado ang dalaga na talagang nakaramdam siya ng hiya kay Alden nang gawin ang kissing scene. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa isipan ni Sanya ang mga nangyari sa taping. “Hiyang-hiya talaga ako no’n. Tinanong ko siya kung meron na ba siyang mga eksenang ganitong nagawa. For us to be comfor­table sa isa’t isa. Medyo nakakakaba talaga ‘yung… ang lamig talaga. Hanggang ngayon nilalamig ‘yung kamay ko, Tito Boy. Gano’n siya ka-intense,” pagtatapat ng aktres.

Ayon kay Sanya ay naging propesyunal lamang silang pareho ni Alden nang gawin ang kissing scene. Para sa dalaga ay maga­ling humalik ang aktor. “Okay si Alden. He’s professional din at the same time. So pareho naman kami na kung ano ‘yung kinakailangan sa work, gagawin namin, Tito Boy. In fairness kay Alden, inalagaan naman ako,” pagbabahagi ng Kapuso actress.

Donny, gusto na ng mature role!

Nangangarap si Donny Pangilinan na ma­kagawa ng isang proyektong ‘mature’ na ang tema. Matatandaang pumatok sa mga tagahanga ang mga ginawa ng tambalan nina Donny at Belle Mariano sa mga nakalipas na taon. Mapapanood na rin sa pamamagitan ng Viu simula Nov. 25 ang How To Spot A Red Flag na muling pinag­tambalan ng DonBelle.

“I’ve talked about it with Belle since we did the high school love with He’s Into Her. Tapos naging medyo after college. So me and Belle would like to do a project na may konting maturity na talaga. Going through real life problems as adults. Something that we can do for the first time, ‘yung gano’ng genre. I think that will also have a different feel in the way that we attack the scene kasi ‘yung chemistry namin magiging iba ‘yon. We’ll be able to deliver our lines differently as we go through different characters. Mas magiging deep din ‘yon para sa amin. Kasi marami kaming pinagdaanan as characters. More mature take on life,” pagdedetalye ni Donny.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto rin umanong gumanap ng aktor bilang isang kontrabida. “What’s interesting is I’ve not played an anta­gonist role or even a bad guy. I think that will be very challenging. That’s also a good thing to do, to go out of my comfort zone. Just do something diffe­rent,” dagdag pa ng aktor. (Reports from JCC)

Show comments