^

PSN Showbiz

Ate Vi, ayaw na sa materyal na regalo

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Ate Vi, ayaw na sa materyal na regalo
Ms. Vilma Santos

Sa Nov. 3 pa ang birthday ni Ms. Vilma Santos, pero maaga namin siyang nabati nang makatsikahan namin nung nakaraang linggo para sa Troika Talk.

Wala na raw siyang ibang hinihinging material gift para sa kanyang kaarawan. Happy na raw siya sa magreregalo sa kanya ng mga lampin at tuwalya.

“Alam mo pareho pa rin, parang mga lampin lampin, ‘yung pang-exercise. Kung nakikita n’yo na nakakabit sa buhok ko na mga lampin, ‘pag nag-exercise ako. ‘Yun lang lampin, saka tuwalya ‘pag nag-exercise ako,” natatawang sagot sa amin ni Ate Vi nang tinanong namin tungkol sa birthday gift na gusto niya.

Pamilya lang daw ang makakasama niya sa kanyang kaarawan, pero may naka-schedule siyang pagdiriwang na marami ang imbitado.

Wala namang ibang mahihiling pa si Ate Vi para sa kanyang kaarawan kundi para sa ating movie industry.

Natanong na rin namin kay Ate Vi ang pagtatapat sa Metro Manila Film Festival ng entry niyang Uninvited sa horror film na Espantaho na dapat ay siya ang kasama ni Judy Ann Santos.

Hindi natuloy dito si Vilma at si Lorna Tolentino ang ipinalit.

“We’re all friends. In fact, I congratulated, nagte-text kami ni Juday and nag-congratulate kami sa isa’t-isa. Basta’t ang usapan lang namin, ‘yun ang sinabi ko sa kanya na kung hindi sa akin, sa kanya ‘yan. Basta gagawin niya,” pakli ni Ate Vi.

“Alam mo it’s a more friend… and I’m glad as in perfect choice na si LT ang napili, you know. “Kasi may back story din ‘yan e. You know, talagag I was excited doing the film. Kaya lang may mga konting changes na dapat. Pinagmi­tingan naman namin. Darating ‘yung time na ‘yun,” sabi pa ni Ms. Vilma Santos

Alex at Karla, naghiwalay na hindi magkasundo

Nagsimula nang mag-taping si Korina Sanchez para sa Face to Face.

Noong Friday last week lang daw siya nagsimula at iniba raw ang format nito para bagong-bago ang dating.

Ganundin daw ang look at pati makakasama niya.

Ang dating role na ginagawa ni Alex Calleja kay Karla Estrada ay si Donita Nose na ngayon.

Ang una naming nabalitaan ay si KaladKaren, pero wala kaming ideya kung bakit hindi siya natuloy.

Panibagong challenge na naman ito kay Korina dahil gumaganda na noon ang ratings ng naturang show.

Pero may naririnig na kami noon pa na hindi na magre-renew si Karla ng kontrata niya sa Face to Face. Hindi raw sila okay ni Alex Calleja, na hindi lang namin alam kung bakit.

Kaya kaagad na naghanap sila ng kapalit, at si Korina Sanchez-Roxas ang napagkasunduang ipalit.

vuukle comment

ACTRESS

VILMA SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with