^

PSN Showbiz

Anak nina Erwan at Anne, very cutesy sa Filipiniana

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Anak nina Erwan at Anne, very cutesy sa Filipiniana
Dahlia Amelie

Ang cutesy naman ng daughter nina Anne Curtis at Erwan Heussaff na si Dahlia Amelie na naka-FIlipiniana costume para sa United Nations Day.

Ipinost ng It’s Showtime host ang mga litrato ng kanyang anak habang suot ang pastel-colored na Filipiniana na gawa ni Neric Beltran. “Aking Sinta… Little Filipina for United Nations Day…,” caption ng misis ni Erwan.

May pakiramdam daw siya na ito na ang magiging bagong favorite outfit nito kesa sa kanyang daily princess costumes.

Ang ganda naman kasi ng pastel Filipiniana na ito.

Marami naman ang napa-wow kay Dahlia kasama na ang mga kaibigang celebrities ng kanyang mommy na sina Isabelle Daza at ang stylist na si Liz Uy, habang ang fashion designer na si Rajo Laurel ay nagpahayag na agad na gusto niyang damitan ito ng kanyang mga gawa.

Nag-ala Binibining Filipina nga ito sa kanyang outfit.

Mukhang rarampa na nga rin si Dahlia gaya ng kanyang mommy na kailan lamang ay dumalo sa Milan Fashion Week.

Kamukha nito ang kanyang daddy na mini-me nito pero namana raw talaga nito kay Anne ang kakikayan.

Tinawag pa itong anak ng Dyosa ng netizen.

Bongga.

‘Thoughtful and sweet’

Na-appreciate ko naman na dinalaw ako ni Gie Trillana (entertainment editor ng Malaya Business Insight) na ang daming dalang kakanin ha, kahit nagmamadali dahil sa presscon ni Jun Lalin para kay Lovi Poe.

Talagang grateful ako pag pinupuntahan ako sa dialysis session ko dahil ‘yung effort para pumunta ng FEU Hospital, malaking bagay na.

Grateful pa ako na nagdala pa siya ng mga kakanin, talagang how thoughtful at sweet.

Thank you, Gie.

vuukle comment

TRENDING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with