^

PSN Showbiz

Aktres, laging nakakandong sa gwapong jowa kahit nasa taping

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Pinaglalaruan na ng mga staff ng isang weekly show kung ano ang magandang title kung sakaling gagawa ng isang sexy film itong si kaaya-ayang aktres.

Iisa ang naisip nila. Magandang i-remake raw ni aktres ang pelikula ni Rosanna Roces na Kandungan.

Kasi naman, tuwing nagte-taping sila nitong weekly show nila, nandun ang guwapong boyfriend para magbantay sa kanya.

Nandun lang daw sa dressing room ni kaaya-ayang aktres itong si guwapong boyfriend at super PDA raw sila.

Hindi lang pa-holding hands, kundi nakakandong daw si aktres kay guwapong boyfie.

Ewan ko kung naaasiwa ang ibang kasamang aktres nito dahil hindi lang naman siya mag-isa sa loob ng dressing room, kundi marami sila.

Hindi naman daw nakakaabala, pero kapag tinatawag na ng staff ang ibang co-stars ni aktres para mag take na, itong ‘kandungan’ scene agad ang bumubu­ngad sa kanila pagpasok nila ng dressing room.

Ganun na sila ka-sweet. Pero wala pa kaming narinig sa sagot nila sa mga interview na inaamin nila ang kanilang relasyon.

Pero kung ‘di ako nagkamali, tila nabanggit ni aktres ang linyang “what you see is what you get.” So ‘yun na ‘yun!

Jameson sanay nang magpakita ng pwet, gusto pa ring magpa-cute

Hindi gaanong maganda ang resulta ng tatlong local films na nag-showing noong Miyerkules.

Nakuha ko ang figures ng first-day earnings ng Balota, Guilty Pleasure at Crosspoint, pero huwag na lang siguro isulat.

So far, medyo okay ‘yung Balota ni Marian Rivera dahil mukhang sumuporta naman nang bongga ang fans niya. Meron daw nagpa-schedule ng block screening.

Pero itong kay Lovi Poe na Guilty Pleasure ay nagkukumahog na ang ibang suppor­ters na magpa-block screening.

Meron na raw naka-schedule hanggang next week, pero nakatakda na yatang lumipad pa-Amerika si Lovi kaya hindi na niya ito mapuntahan.

Maganda ang pagkalahad ng kuwento ng Guilty Pleasure kaya baka naman umangat pa ito pagdating ng weekend.

Ang galing talaga rito ni Lovi bilang isang abogado, pero hindi naipagtanggol ang sarili nang ma-rape ng dating karelasyong ginagampanan ni JM de Guzman.
Isa ring abogado rito si JM na parang may similarity rin sa karakter na ginagampanan niya sa Linlang nila ni Kim Chiu.

“Medyo. Parang parehong lawyer,” napangiting sagot sa amin ni JM nang sinabi namin ito sa kanya.

“Siguro kailangan na rin ng balance. Sa next naman siguro iba naman,” pakli niya sa tanong namin kung okay lang ba na magkapareho ang role na ginampanan niya.

Pero iba raw ang karakter niya bilang si Adam na isang lawyer din. Mas nakakainis daw ang role niya sa pelikulang ito.

“Nainis ako sa sarili ko. Nagki-cringe ako,” napapangiti niyang sagot.

May pa-butt exposure si JM dito sa Guilty Pleasure, pero hindi napigilang mapatili ang fans sa full butt exposure ni Jameson Blake.

In fairness, bongga naman ang pagkakinis ng puwet ng aktor, at hindi naman daw siya nanibago dahil ilang beses na raw niya itong ginawa sa mga pelikula niya.

“Natuwa naman ako na nag-react naman sila. You know siyempre, you want something spicy when you watch the film ‘di ba? You want to see something interesting or something that’s out of the box. So, siyempre nakita ko naman based on their reactions na they were enjoying it when they saw scenes like that. So, ayun it’s just the bonus part, pero overall the story is very nice and I was surprised watching it  that it was well-connected. A lot of people can relate to this,” saad ni Jameson Blake.

Magagaling ang mga kaeksena ni Jameson lalo na si Lovi, kaya ang laking challenge sa kanya as an actor.

“I mean… gusto ko pa rin ng versatile. I can still do pa-cute naman minsan. Pero I’m still taking it to the next level na alam ko naman I’m taking more mature roles,” sabi pa ni Jameson Blake.

vuukle comment

JAMESON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with