^

PSN Showbiz

Beauty, singit ang regalo sa mister!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Beauty, singit ang regalo sa mister!
Beauty Gonzalez
STAR/File

Ang bongga naman ng aktres na si Beauty Gonzalez na pinalutang ang kanyang kaseksihan sa birthday message para sa mister na si Norman Crisologo.

May pa-singit ang ipinost niyang litrato kasama ng pagbati niya sa hubby niyang art curator.

“My gift for you today and every day for the rest of our lives, is…. Drum rolls please……….....ME!” caption niya sa kanyang photo suot ang kanyang dark blue one-piece swimsuit na litaw na litaw ang kanyang singit.

Walang duda sa ganda at kaseksihan ni Beauty at hindi halatang meron na siyang daughter na eight years old na na si Olivia.

Pero hindi nawala ang bashers sa post niya na hindi raw nagustuhan ang ginawa niyang pag-post ng kanyang photo na sobra na raw revealing ang suot at kung anu-ano pa ang sinabi ng mga ito.

Depensa naman ng fans niya, pini-please lamang nito ang mister niya sa pag-flex ng katawan niya at pinupuri ng lahat dahil sigurado raw proud ang hubby niya na hot ang wife niya.

Meron daw mutual understanding ang dalawa nang ipinost ito kaya huwag nang mag-abala ang mga ito.

Sey nga ng fans niya ay kung ayaw ng mga itong makita ang post niya na proud sa kanyang sarili ay mag-unfollow at block na lamang para wala nang intriga.

Makikita kasi sa mga post ni Beauty ang madalas niyang pag-flex ng kanyang body na goals daw talaga ng hot momma.

vuukle comment

BEAUTY GONZALEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with