^

PSN Showbiz

Kathryn, pa-hopia, sa braso ng lalaki

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kathryn, pa-hopia, sa braso ng lalaki
Kathryn Bernardo
STAR/File

Naging usap-usapan ang TikTok na ipinost ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo kung saan kasama niya ang isang mystery guy.

Nag-trending ito dahil marami ang na-curious kung sino ang lalakeng sa TikTok niya na may background music na Bed Chem ni Sabrina Carpenter.

Hinila niya ang braso nito pagdating sa chorus ng kanta na “Who’s the cute boy with the white jacket?” na may caption lamang na “Hmmm...”

Isa lang ang pumasok sa isip ng mga tagahanga niya at tingin nila ay ang Kapuso actor na si Alden Richards ito na katambal niya sa pelikula nilang Hello, Love, Again (HLA).

Tila siguradong-sigurado pa ang fans na siya talaga iyon at kilig na kilig ang mga ito.

At dagdag pa roon na nagpadagdag ng pag-asa sa kanila ay dahil ang kantang ginamit ng ex ni Daniel Padilla ay ginamit din daw ni Alden sa post nito sa endorsement niya kung saan nakasuot din siya ng white jacket.

Mukhang pahiwatig daw ito ni Kathryn at doon pa lang ay kilig na kilig na sila.

Pero may plot twist pala ito dahil na-reveal kung sino ang mystery guy at road manager pala niya ito na nagngangalang Arlie Salagantin.

Kaya kinaaliwan ang ipinost na behind the scene ng TikTok niya at pati ang road manager niyang bading ay tawang-tawa rin sa ginawa nilang kalokohan.

Tila marami ang nag-akala at umasa na unti-unti na niyang ipino-post ang kanyang bagong love life dahil naka-13.2 million views na ang TikTok niya at marami ang na-hopia sa ginawa niya.

At ngayon nga naiintrigang totohanan na raw ang relasyon nina Kathryn at Alden, na busy rin sa pag-promote ng pelikula nila na HLA.

Isa rin sa napansin ng netizens ay lutang na lutang ang ganda ni Kathryn na blooming daw ngayon. Bongga.

vuukle comment

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with