^

PSN Showbiz

Kokoy, takot nang makipag-jowa

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Kokoy, takot nang makipag-jowa
Kokoy de Santos

Kontrobersyal ang naging hiwalayan nina Kokoy de Santos at Rhen Escaño ilang taon na ang nakalilipas. Ayon sa aktor ay mayroong mga bagay siyang natutunan mula sa tatlong taon nilang relasyon ng dalaga. “Hindi masama na unahin ang sarili, Tito Boy. Sa umpisa pa lang, iniisip ko, sa susunod man na relasyon, iniisip ko palagi na magtira. Totoo pala ‘yon na sinasabi ng mga mas nakakatanda sa iyo na, mainam na magtira ka sa sarili mo. Posible Tito Boy, lalo na kapag iisipin mo ‘yung nangyari sa akin. Ayaw ko nang maulit ‘yon. So iisipin ko muna ‘yon,” makahulugang pahayag ni Kokoy sa amin sa Fast Talk with Boy Abunda.

Napababalitang ang aktres na si Angel Guardian ang bagong nililigawan ng binata. Madalas na nagkakasama sina Kokoy at Angel sa mga trabaho ngayon. “Tito Boy, hindi po. Nag-e-enjoy lang po kami ni Angel,” pagtatapat ng aktor.

Rhen Escaño

Aminado si Kokoy na nakararamdam na ng takot na umibig muli. Magiging maingat na ang aktor kung papasok muli sa isang relasyon. “Ang unang pumasok sa isip ko ngayon, takot ako na mawala ‘yung para sa sarili ko, para sa pamilya ko. Mayroon akong gano’ng something na, kapag nando’n kasi ako sa moment na ‘yon, ewan ko kung ako lang ‘to. Marami naman siguro nakaka-relate na, ‘Parang in love ako eh. Gusto ko ‘to, lahat gagawin ko.’  Iwan lahat, gano’n. Hindi ko naman sinasabi na kayang-kaya ko na pero nando’n pa rin ‘yung takot na ‘yon,” paliwanag ng Kapuso actor.

Marian, mahal ng mga content creator

Simula ngayong Miyerkules ay mapapanood na sa mga sinehan ang pelikulang Balota na pinagbibidahan ni Marian Rivera. Isa ito sa mga naging kalahok sa Cinemalaya Film Festival 2024 na ginanap noong Agosto.

Nakatrabaho ni Marian sa naturang Cinemalaya entry sina Sassa Gurl at Esnyrrr.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto raw muling makatrabaho ng Kapuso actress ang dalawang content creators. “Baka naman kaya natin serious (project) pero may twist. Wala pa silang sinasabi tawa na ako nang tawa. Mga lukaret ‘yung dalawang ‘yon,” nakangiting pahayag ni Marian.

Habang ginagawa ang naturang pelikula ay naging mabuting kaibigan ng aktres ang mga katrabaho. Para kay Marian ay isang pamilya na ang turingan ng bawat isa habang nasa  shooting. “Kapag nando’n kami, kakain kami ng lunch all together talaga. Magdi-dinner kami lahat. Tapos halimbawa, kapag may eksena ‘yung isa, nando’n lang kami lahat, nag-iintay kami. So parang naging as family talaga kami doon,” kwento niya.

Nang matapos ang shooting ng pelikula ay naging emosyonal si Marian. Tinawagan pa umano ng aktres ang asawang si Dingdong Dantes dahil sa kalungkutan. “Pagdating ko ng car umiiyak ako. Ibig sabihin lang no’n, sobrang napamahal ako sa kanila,” pagtatapat ng aktres. — Reports from JCC

vuukle comment

ACTOR

KOKOY DE SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with