James, ninerbyos !

James Reid

Muling napanood si James Reid sa entablado ng ASAP noong Linggo. Aktibo nang muli ang singer-actor sa telebisyon ngayon. Mahigit limang taon na ang nakalilipas nang huling makapagtanghal ang binata sa ASAP kaya nakaramdam nang kaba sa kanyang pagbabalik. “To be honest I’m super nervous. It’s been a long time. It’s been like 5 or 6 years since I last been here in ASAP. And to be with my idols again, with you guys, it’s amazing. I am glad to be back,” nakangiting paglalahad ni James sa ASAP.

Malaki ang pasasalamat ng binata sa mga tagahangang patuloy na sumusuporta sa lahat ng kanyang mga ginagawa. Sinisiguro ni James na magiging abala nang muli ngayon sa kabi-kabilang proyekto. “Thank you so much to all of the Reiders, all the fans who’ve been supporting me since from PBB (Pinoy Big Brother) days. It’s been a long, long time. Thank you so much. I love you guys. I’m so excited may mga bago akong mga kanta that I’m really excited to show with everyone at the ASAP stage,” dagdag ng singer-actor.

Pakiramdam ni James ay parang kailan lamang nang huli siyang makapagtanghal sa ASAP. Mainit ang naging pagtanggap sa binata ng mga kasamahan sa naturang Sunday noontime show. “It feels good to be back, parang I never left. It’s been a long time but the love from the ASAP team, it feels like I never left. So, thank you so much. I can’t wait to perform my new up and coming songs coming out soon. Stay tuned and thank you so much. It’s good to be back,” pagtatapos niya.

Rufa Mae, tinulak ng anak na balikan ang trabaho

Isa si Rufa Mae Quinto sa tumatayong hurado ng Kalokalike segment ng It’s Showtime. Abala na ring muli ang aktres sa paggawa ng pelikula.

Ayon kay Rufa Mae ay hinahanap-hanap niya talaga ang pag-arte sa harap ng kamera.

Matatandaang pansamantalang nagpahinga ang aktres mula nang magkaroon ng sariling pamilya. “Na-miss ko, pero ang laging iniisip ko ang anak ko. Parang siya na rin mismo ang nagsasabi na siya na rin ang sagot sa lahat ng offer na, ‘Ano, tatanggapin ko ba?’ Baka kailangan pa niya ako. Pero siya rin mismo na, ‘Sige, mag-work ka na muna,’” nakangiting kwento ni Rufa Mae.

Noong kasagsagan ng pandemya ay sa Amerika namalagi ang aktres kasama ng asawang si Trevor Magallanes at anak na si Athena. Hindi raw inakala ni Rufa Mae na mabibigyan pang muli nang pagkakataon na makapagtrabaho sa Pilipinas sa kanyang pagbabalik. “Gano’n pala after ng pandemic, sabi ko, ‘Ano kahihinatnan ko? Ganito lang?’ Maganda naman ang buhay ko pero normal na tao. Wala akong katrabaho doon, ‘yung alaga lang. Housewife, mommy, ganyan. Tapos sabi ko, ‘Bakit ganito?’ Kasi nasa US ka na eh,” pagbabahagi ng sexy comedienne.

Masayang-masaya si Rufa Mae dahil muli siyang natanggap ng mga manonood. Ini-enjoy na lamang umano ng aktres ang lahat ng trabahong kanyang ginagawa ngayon. “Basta masaya ako, ‘yon na lang ang dahilan kung bakit ako nandito sa showbiz. Kaya lagi akong good vibes, kasi kumpleto na. Nagkapamilya ako, I’ve been here, done that ‘til there and everywhere,” masayang pagtatapos ng aktres. — Reports from JCC

Show comments