KC, mas priority ang mga kapatid kay Gabby!

Samantha Concepcion at KC Concepcion

Lagot na naman nito si KC Concepcion sa kanyang bashers at aakusahan siyang may time sa siblings niya sa father side pero walang time for her sibs sa mother side. Dahil ito sa kanyang post nakasama ang sister na si Samantha Concepcion nang manood sila sa Azkals Celebrity Game sa Taguig City last October 6.

Sa interview kay KC ng ABS-CBN news, na­ku­wento ang closeness nila ni Sam na dalaga na pala. Naisasama na niya ito sa kanyang mga ganap.

“Blooming ako kasi kasama ko sister ko nga­yon! Super close kami, lagi ‘to natutulog sa bahay ko,” kuwento ni KC.

Ayon naman kay Sam, very caring and hands-on si KC na “ate” ang kanyang tawag. “She is always looking after me. Always giving the best advice. I love spending time with her. Ever since close na kami.”

Madalas silang magkasama sa beach house ng aktor sa Lobo, Batangas at dinner with Gabby’s family.

Anyway, nagkasama nga ang magkapatid sa nasabing celebrity games ng Azkals at nakita pa nila si Gab Valenciano at ilang kaibigan. Pinansin ang pagpayat ni KC at dala ito nang kanyang workout, pilates at diet na rin.

Sa nag-comment na “Wow payat,” ang sagot ni KC, “Not yet our mmk levels haha.”

Pasasaan ba at papayat din si KC sa level na gusto niya.

Coco at Julia,‘di na umiiwas

Natutuwa ang mga fans nina Coco Martin at Julia Montes sa pagiging open na nila sa kanilang relasyon. Hindi na sila umiiwas na makita na magkasama at hindi lang nila ito ginagawa kapag nagta-travel sila sa ibang bansa.

Ang latest post ni Coco ay magkasama sila ni Julia ay sa grand opening ng ine-endorse nilang dental clinic sa may Taguig.

Hindi lang sila dumating sa event, nagkatabi rin sa mga larawan at may isang larawan na nakaakbay si Coco kay Julia. Saka, nakunan din ng video ang kanilang pagdating na magka-holding hands na kinakiligan ng mga fans.

Samantala, ginulat tayo ni Coco nang magkaroon siya ng TikTok account at ang wish ng mga fans, mapanood sa kanyang TikTok  si Julia.

Serye nila Alfred, ipalalabas na!

Mapapanood na pala sa afternoon slot ng GMA-7 ang Forever Young na tampok ang Kapuso child actor na si Euwenn Mikaell. Sa pinapalabas na short teaser, nakasulat na sa October 21, 2024 na ang premiere nito.

Naalala namin ang nabanggit ni Alfred Vargas dati na maganda ang concept ng Forever Young kung saan, gumaganap siyang ama ni Euwenn. Wish granted for Alfred dahil ilang linggo na lang at mapapanood na ang series na may halong politika.

Hindi kaya dahil sa magse-seek ng reelection bilang konsehal ng Quezon City si Alfred kaya ipalalabas na ang series? Sabagay, pinapayagan naman yata ang mga tatakbong mga artista na patuloy na mapanood sa telebisyon sa gitna ng kampanya. Tiyak kasing aabutin ang airing nito ng kampanya para sa 2025 elections.

Show comments