Showtime, hanggang disyembre na lang nga ba sa GMA?!

Showtime Host

Isang source ang nagsabi sa amin na kung totoo eh hanggang December na lang daw ang telecast ng It’s Showtime sa GMA 7.

Pero meron daw network na lilipatan ang ABS-CBN noontime show. Sa ALLTV daw ni Manny Villar ang lipat nito na napapapanod na rin sa kasalukuyan sa nasabing network.

Ang papalit daw sa It’s Showtime ay isa ring noontime show at ang producer ay ang TAPE, Inc. na ang huling prinodyus for GMA ay ang Tahanang Pinakamasaya, huh!

Heto ang catch. Ang mamamahala raw sa nasabing show ay walang iba kundi ang batikang TV ­executive na si Malou Choa Fagar!

Gaya ng napabalita, kinuhang muli ng TAPE, Inc. si Malou bilang President at CEO ng kumpanyang nagpasimula ng longest running show na Eat Bulaga!

Sa TAPE nagsimula si Malou at hinawakan ang Eat Bulaga nung nasa RPN 9 ito at nalipat sa ABS at GMA hanggang sa napunta sa TV5 pero hindi na siya nakasama.

Kung totoo, bakbakan na naman ang TAPE at TVJ Productions na producer ngayon ng Eat Bulaga sa TV5.

Andrea, sinukuan ang politika

Pagtutuunan ng atensiyon ng actress at former vice mayor ng isang bayan sa Batangas na si Andrea del Rosario ang anak na may special needs kaya umatras na siya sa pagtakbo.

Inihayag ni Andrea ang kanyang balak nang dumalo siya sa launching ng Sine Sindak : Ika Limang Yugto na collaboration ng Viva Films at SM Cinemas.

Festival ng horror movies ito na mapapanod sa Halloween week sa lahat ng SM Cinemas mula October 30 hanggang November 5.

Kasama sa horror fest ang kinabibilangang movie ni Andrea na Nanay at Tatay pati na ang Viva movie na Pasahero at ilang ­foreign films gaya ng House of Sayuri, Thorn: One Sacred Night at iba pa.

Show comments