Un/Happy nina Julia at Joshua, nasa sinehan pa

Julia Barretto.

Palabas pa pala sa ibang sinehan ang pelikula Un/Happy For You nina Joshua Garcia and Julia Barretto.

Ito lang so far ang kumita ng ganun kalaki outside Metro Manila Film Festival (MMFF).

More than a month na since ipalabas ang nasabing pelikula na tumabo na sa takilya ng mahigit kalahating bilyon.

Ito lang nga ang Tagalog film na selected theaters.

Kaya naman iba na ang sistema ng mga pagpapalabas ng pelikula.

Hindi na lingguhan ang palit, daily na raw ‘yun.

Well, sa dalawang mall sa QC na pinasyalan ko, ganun daw ayon sa pinagtanungan ko.

Anyway, ano kayang susunod na pelikulang kikita?

Mataas ang expectation ng industriya sa pelikulang Hello, Love, Again nina Alden Richards at Kathryn Bernardo kaya tiyak na baban­tayan ito ngayon.

Habang ang iba namang mall ay wala nang palabas na Tagalog movie.

Show comments