Kyline at Kobe, nagpapa-kyut pa sa relasyon

Kobe Paras at Kyline Alcantara

Ang bongga naman nina Kyline Alcantara at Kobe Paras na nakapag-short vacation sa beach sa Infanta, Quezon.

Kasama raw nilang maka-bonding ang mga magulang ng aktres at mga taong malapit sa kanila.

Mahilig daw ang dalawa sa nature at pangalawang beses na raw nila itong bonding sa beach dahil noong first time raw nila ay sa China.

Natanong naman ang dalawa sa real score sa kanila at ganon pa rin ang sagot ng ex ni Mavy Legaspi na “What you see is what you get.” Hindi raw niya responsibilidad na ipaliwanag o ikumpirma o i-deny ang kahit ano.

Mukhang nataranta nga si Kyline nang sinabi ni Kobe na sasagot siya at sinabi niyang “Yeah, privacy” nang tingnan si Kobe.

Pabiro namang sina­got ng anak ni Benjie Paras na ang kanyang famous quote online ay “we’re just friends” na sinagot niya noon nang tanungin din siya sa relasyon nila.

Hindi naman naniwala ang fans dahil halata raw kilig na kilig ang aktres at hindi raw gawain ng friends ang magkandungan at mag-holding hands.

Mukhang pamisteryoso lang daw ang dalawa. At showbiz na showbiz daw si Kyline.

‘Kaloka sila ha.

Umaarte-arte pa.

Mga bata pa ba sila para magpamisteryo sa relasyon?

Olivia, pinairal ang pagiging Pinoy!

Merong love kay Olivia Rodrigo ang mga Pilipino dahil nga Pinoy ang father nito. May parang affinity ang fans dahil kahit papaano may dugong Pinoy.

Saka bongga ‘yung ginawa niya na pinababa ang presyo ng tiket, ginawang P1,500 lahat ng sektor kaya first come first served ang nangyari sa sea­ting sa concert niya kagabi na ginanap sa Philippine Arena.

Bongga siya na nagawa niyang ibaba ang presyo para pagbigyan lahat ng fans niya.

Makikita mo talaga ang power ng performer ‘pag may conviction na tulad ni Olivia.

Kaya naman sige unahan pagpunta sa venue para maganda ang makuhang upuan.

Salute, Olivia Rodrigo, bongga ka, day.

Show comments