Gumaganap bilang mag-asawa ngayon sina Janine Gutierrez at Jericho Rosales sa Lavender Fields na pinagbibidahan ni Jodi Sta. Maria. Ayon sa aktor ay hindi sila nagkakailangan ni Janine kahit mayroon nang espesyal na namamagitan sa dalawa. “I’m just really very happy on the professional side. I’m just so happy with these guys. I love them. But in the personal side, all of these people that I work with love her. So, it just feels light. Everything just feels light. We’re professionals on set. We can joke about it offscreen. It’s just a really good balance,” nakangiting pahayag ni Jericho.
Para sa aktor ay malayung-malayo sa tunay na buhay ang kanyang karakter bilang si Tyrone de Vera o Arthur Pelaez. “I’m very far from my character talaga. I don’t like revenge. I don’t take revenge. Hopefully I was able to contribute also. Kung ano ‘yung nakikita n’yo, ito si Jericho. Walang pagbabago ito, or minsan, namumulot ng mga nahuhulog na prutas sa puno,” natatawang paglalahad niya.
Magtatatlong dekada nang aktibo sa show business si Jericho. Sa loob ng tatlumpung taong nakalipas ay naaral na ng aktor kung paano makitungo sa mga taong hindi nagpapakatotoo o ‘yung tinatawag na mga ‘plastik.’ “If you’re plastic in front of us, you’re not going to get anything. Because what we give you is the truth and we are very sensitive to people who are not real. That’s our job, to pretend, okay? So you might as well make friends with us, be friends with us, be real with us. Because that’s what counts. In showbiz, authenticity is what counts. That’s the currency,” giit ng aktor.
KZ, hinimay ang sinabi ng mister bago nakipag-duet
Nasa 18 milyon na ang kabuuang stream ngayon sa Spotify ng bersyon ni KZ Tandingan ng kantang Palagi. Naka-duet ng Asia’s Soul Supreme ang asawang si TJ Monterde na siyang orihinal na kumanta nito. “The fact na it is as big as it is now na wala pa siyang 1 month old is mind blowing and noong nakita ko sa charts na parang biglang nag-shoot up ‘yung ranking ko somewhere, parang most streamed. Parang hindi pa rin siya masyadong nagsi-sink in sa akin and hindi ko rin siya masyado pang iniisip. Kasi baka ma-pressure lang ako,” bungad ni KZ.
Noong una ay nagdalawang-isip pa umano ang singer sa alok ng mister upang mag-duet para sa naturang kanta. “Noong sinabi sa akin ni TJ ‘yung idea na mag-record kami ng duet, I was actually very hesitant. Kasi nga ‘di ba for a song that it is so well-loved at maglalabas ka pa ng panibagong version, parang it has to be at the same level. Or angatan ng kahit konti or dapat may ma-offer kang something new, ‘di ba?” paliwanag ng Asia’s Soul Supreme.
Hindi naging madali para kay KZ ang ginawa nilang mag-asawa. Para sa singer ay talagang magkaiba sila ni TJ ng tunog o istilo ng pagkanta. “Si TJ lang din ang nagsabi sa akin na parang, ‘If I were to release a duet version of this song, ikaw lang din pwedeng maka-duet ko kasi ikaw si ‘Palagi,’ sabi niyang gano’n. Siyempre marupok tayo, napilit tayo, ni-record natin.
“So, I took the challenge. I sat down, talagang hinimay ko sa kanya ‘yung mga naiisip kong gawin para do’n sa song and then pina-check ko talaga sa kanya. Kahit na kinakabahan ako na baka hindi ma-appreciate ng mga tao ‘yung version na sinamahan ko, nando’n na rin ako sa kung masaya si TJ sa version, masaya na ako. It doesn’t matter to me kung ano ang sasabihin ng ibang tao. Kung masaya siya, masaya na ako,” kwento ng singer. — Reports from JCC