Sheryn, may takot sa bisexual na anak

Sheryn Regis

Masayang inalala ni Sheryn Regis ang mga panahong nangangarap pa lamang siyang makapasok sa entertainment industry. Hindi naging madali para sa singer ang kanyang mga pinagdaanan noon. “I was 17 trying to be 18 that time. Kasi parang gusto ng direktor ko sa theater na mag-try ako sa lounge kasi more exposure. Maganda exposure sa hotel,” bungad sa amin ni Sheryn sa Fast Talk with Boy Abunda.

Naranasan pa umanong mabastos ng Cebuana singer noon habang nagtatanghal sa entablado. May isang Hapong nanghipo umano sa dibdib ni Sheryn sa isang lounge. “’Yung iba may bastos. Sasabihin ko, ‘You don’t have the right to do that to me. I’m a minor.’ Then pinapaano ko ng guard. Kasi matapang akong bata that time. Ayoko ‘yung hihipuan ako, sinampal ko talaga. Inireklamo ko sa manager doon. Sabi ko, ‘Ayoko ng ganito. They’re still custo­mers but I am a singer. I am a citizen, I am a person. I have dignity. You don’t have the right to touch me,” kwento ng singer.

Samantala, nakararamdam ng takot si Sheryn para sa anak na si Sweety. Umamin bilang isang bisexual ang anak ng singer kamakailan. “Yes, Tito Boy, baka naman madaanan din niya ang mga pinagdaanan ko. Ayaw ko siyang masaktan. Ayoko siyang mapagod sa buhay. But knowing her life now, I’m so happy for her. Kasi napili niya talaga kung ano ang gusto niya na… I’m not saying for gender or whatever ha. She has her own thing. She has her life now. I’m very proud of her. Kasi sa lahat mga payo ko sa kanya bilang nanay, the values of being a Filipino pa rin eh. Hindi ko pinapaano sa kanya na Amerikana ka, kasi Pinoy na Pinoy ka,” makahulugang paglalahad ng nakilalang The Crystal Voice of Asia.

Zephanie, mas minahal ang trabaho

Bukod sa pagkanta ay sumabak na rin si Zephanie sa pag-arte. Kabilang ngayon ang singer sa teen-oriented show na Maka ng GMA Public Affairs na mapapanood na simula bukas. Aminado ang dalaga na talagang nakaramdam ng takot na subukan ang pagiging isang artista. “Siguro po natututunan ko na pong mahalin ‘yung pag-arte kahit na before isa po siya sa greatest fear ko. Kasi mahiyain talaga ako noong bata,” pahayag ni Zephanie.

Para sa dalaga ay malaki rin ang pagkakapareho ng pagkanta at pag-arte sa harap ng kamera. “I know with singing po, nando’n pa rin po ang pag-arte. Kasi you have to sing with emotions and ‘di naman lahat ng kanta nakaka-relate ako pero dahil po it’s art, part po ‘yon ng pag-arte,” giit niya.

Ayon kay Zephanie ay mas lalo pa niyang pinagbubuti ang lahat ng mga ginagawang proyekto ngayon. Mayroong mga natututunan ang singer mula sa mga nakakatrabaho sa pagkanta man o pag-arte. “Mas nag-fire up po siya noong talagang napasabak po ako sa pag-arte. Lahat po ng nakatrabaho ko ever since, mayroon po silang na-impart sa akin na kung bakit mas napapamahal po ako sa pag-arte. Nando’n pa rin po ‘yung pagkanta, mahal ko pa rin ‘yung pagkanta, pero ngayon pareho na,” pagbabahagi ng singer. — Reports from JCC

 

Show comments