KC, mas abala sa self-love

KC Concepcion

Ang bongga naman ni KC Concepcion na mukhang seryoso na sa kanyang pagbabalik-alindog.

Ipinost ng anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion ang pag-Pilates na parte ng kanyang fitness journey.

Nakabalik na nga siya sa ‘Pinas pagkatapos mag-Summer sa France at Spain kamakailan at Pilates ang kanyang pinagkakaabalahan ngayon na nakakapag-healthy raw sa kanyang utak at nagpapa-peaceful sa kanyang buhay.

Isinama pa nga ang kanyang babies na sina Churro at Chica sa kanyang nighttime sesh sa  Pilates playground.

Makikita rin ang bonding nila sa Pilates ng kapatid na si Garie at sa ibang litrato ay makikita ang partner nitong si Michael Pangilinan at baby nilang si Dani.

Sa caption ay sinabi niyang first family lunch plus Pilates session ito kasama ang kapatid at pamilya nito.

Wish ng netizens ay magkaapo na rin sina Sharon at Gabby sa kanya at sigurado raw mapapadalas ang pagsasama ng dating mag-asawa.

Sigurado raw na magiging maganda rin ang baby niya na nasa lahi nila. Nanghihinayang daw kasi sila sa napakagandang mukha ni KC.

Maaalala ngang nagkaroon ng ispekulasyon ang netizens na hiwalay na siya sa Swiss boyfriend na si Mike Wuthrich noong June matapos nilang mag-unfollow sa isa’t isa.

Pero mukhang mas busy nga sa self-love ang panganay nila Shawie base sa post niya na tila nagre-relax sa isang spa at nag-a-unwind na may caption din na “Self-care unlocked!”

Good for you, KC. Tuloy mo ‘yan.

Show comments