Kris, sabik nang umuwi ng Pilipinas?!

Kris Aquino
STAR/File

Kelan kaya babalik ng Pilipinas si Kris Aquino? Parang malapit na.

Ito kasi ang binanggit niya sa isang kumalat na video greeting na ini-upload ng hairstylist niyang si Kimora Bernabe para sa kaibigan nito.

Chika ni Kris sa friend ni Kimora, ihanap siya ng bracelet na kakasya sa kanyang maliit na wrist.

“Ate Kimora said you gave a really good price para sa kanyang earrings. Okay, ako naghahanap ng bracelet. Pero as you can see, super teeny-tiny, so give me a good price when we go home,” sabay pakita sa kanyang braso.

Kaya naman na-busy ang fans ni Kris na matagal nang sabik na makita siya. Matagal-tagal na sa Amerika si Kris dahil sa kanyang pagpapagamot. Payat siya pero mukhang ok sa nasabing video.

Show comments