^

PSN Showbiz

Salubong sa Ber month, binabaha

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Salubong sa Ber month, binabaha
Joshua Garcia at Julia Barretto
STAR/File

Grabe ilang tulog na lang, Ber month na.

Ang bilis lang talaga ng panahon, parang hinipan at tinutulak.

Pero parang maylungkot ang pa­ligid dahil sa habagat.

Kaha­pon ay maraming lugar ang walang pasok.

Maaga ngang inanunsyo ng Presidential Communications Office (PCO) na suspendido ang klase sa mga pampublikong paaralan at trabaho sa mga ahensya ng gobyerno sa National Capital Region (NCR) dahil sa malakas na pag-ulan.

Maghapon ang ulan kahapon kaya talagang tatamarin kang kumilos.

Parang gusto mo lang matulog buong mag­hapon.

Sana naman ay tumigil na ang malakas na pag-ulan para maging masaya naman ang ating paligid at walang masyadong maapektuhan ang mga pagbaha.

Nakaka-excite pa naman ang papalapit na Pasko na oo nga at maraming kontrobersiya sa showbiz dahil sa mga sexual harassment, ang bottomline pa rin ay may kumikitang Tagalog movie at maraming mga naka-line up para sa Metro Manila Film Festival.

Mahigit P300 million na raw ang kita ng Un/Happy For You nina Joshua Garcia and Julia Barretto. At malaking bagay ang ganun.

Nakakabuhay ng dugo sa mga katulad kong nabo-bore minsan sa takbo ng panahon dahil hindi ako gaanong makalabas ng bahay.

Sana nga ay magtuluy-tuloy ang magandang resulta ng mga pelikulang Tagalog sa takilya para naman maging masaya ang Pasko ng buong entertainment industry.

vuukle comment

BERMONTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with