^

PSN Showbiz

Mpox, may bagong dalawang kaso

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Mpox, may bagong dalawang kaso
Hindi nga raw malakas ang tama nito pero mas bongga pa rin na wala tayong sakit lalo na kung nakakahawa.

Kaloka, kinumpirma pala ng Department of Health (DOH) ang dalawang bagong kaso ng monkey pox sa Metro Manila kahapon, kasabay ng paggunita sa Araw ng mga Bayani.

Hindi nga raw malakas ang tama nito pero mas bongga pa rin na wala tayong sakit lalo na kung nakakahawa.

Ang monkey pox ay nakakahawa kaya mahirap ding magkaroon nito.

At siyempre may mga butlig ‘di ba na lumalabas pag may sakit kang monkey pox.

Ang dynamics daw sa dalawang bagong kaso ay pare-pareho sa mga naunang babala: close and intimate at skin-to-skin contact.

Literal na kaloka, hindi ka pwedeng makipag-intimate basta-basta ngayon at makipag-skin-to-skin.

As if naman nakikipag-skin-to-skin ako di ba.

Basta importanteng mag-ingat at ‘wag magkasakit. Hindi bongga ang may nakakahawang sakit.

Lalo na sa katulad ko na nagda-dialysis ng 3x a week.

Yup, 3X a week na akong nagpapa-dialysis kaya talagang hindi na ako masyadong nakaka­labas lately.

Pero ok lang, ramdam na ramdam ko naman ang pagmamahal ng mga kaibigan ko na hindi talaga nakakalimot na magpadala ng mga paborito kong pagkain.

Hahaha. ‘Yan ay kahit maraming bawal na pagkain. Pero wa na talaga ako care. Matanda na ako noh, kailangan ko pa ba talagang mag-diet?

Hahaha. Naku babu na. Yun lang.

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with