^

PSN Showbiz

Bimby, malabong maging bading!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Bimby, malabong maging bading!
Bimby Aquino.
STAR/ File

Naloka talaga ako nang kumalat ang intrigang may boyfriend si Bimby Aquino.

Ano ba ‘yun.

Isang malaking ka-cheapan.

Kumalat kamakailan ang nasabing fake news.

Wala akong duda na straight si Bimby at hindi siya magiging bading.

Wala sa hitsura niya at lalong wala sa dugo niya ang maging ganun.

Si James Yap ang ama niya at wala akong nababalitaang miyembro ng third sex sa pamilya Aquino noh.

Pinaniwalaan ng ilang netizens ang kumalat na retokadong picture ni Bimby na may kahalikang kapwa lalaki.

Alam mo naman sa social media, lahat na lang ginagawan ng intriga.

Lalo na ‘yung mga content creator na mapag-imbento ng kuwento.

Gulat nga ako ngayon na tamad ang online writers na umaasa na lang sa post ng mga artista.

Ba’t hindi sila mag-effort na mag-interview at panay lang ang pamumulot nila ng post ng mga celebrity at ibang influencer na ang alam ko naman ay nagbabayad daw ng followers.

Hay kung malakas pa ako tulad noong unang panahon, babalikan ko talaga ang Take It... namin nila Salve at tatalakan ko silang lahat.

Ayoko ng sistema ngayon na pulos lang parang PR ang ibang writer ng mga artista at influencer.

Hay naku, iba pa rin ang mga legit na entertainment editors and writers noh.

Sen. Jinggoy, misinterpreted!

Talagang konti pa lang   nakakakilala kay Sen. Jinggoy Estrada.

Isa sa pinakamabait at very loyal friend si Sen. Jinggoy once nakilala mo siya. ‘Yung nakikita ng marami na pabrusko at madalas pabalang na pagtatanong at pagsagot niya, hindi iyon ang tunay niyang ugali.

Napakabait at very loving person ni Sen. Jinggoy.

Kaya hindi ako nagtataka na close friends sila ni Bong Revilla dahil pareho silang may mabuting puso. Kaya naman nasasaktan kami ‘pag naririnig ang mga hindi magandang reaction minsan sa mga ginagawa ni Sen. Jinggoy. Very fair, very honest at hindi biased ang anumang opinyon ni Sen. Jinggoy Estrada.

Sana naman ay mas maintindihan siya ng mas maraming tao.

vuukle comment

BIMBY AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with