Kim at Bela, todo ang pakikiramay sa pagluluksa ni Angelica!

Angelica Panganiban at Annabelle

Pumanaw na pala ang ina ng aktres na si Angelica Panganiban noong Martes, Agosto 20.

Sa isang Instagram post nitong Miyerkules, kinumpirma ni Angelica ang pagpanaw ng kanyang 61-year-old mother na si Annabelle.

Walang sinabi ang actress kung anong cause of death ng ina.

Ang wake and memorial service ay gaga­napin sa Aeternitas Chapels and Columbarium sa Commonwealth, Quezon City.

Ang dami naman agad nagbigay ng mensahe ng pakikiramay kay Angelica.

“Mahigpit na yakap momsy. andito lang kami lagi para sayo. Prayers for you and your family,” sabi ni Kim Chiu.

“Love you momsy…isang mahigpit na mahigpit na yakap?,” mensahe naman ni Bela Padilla.

Friends for life ang tatlong actress.

Show comments