^

PSN Showbiz

Barbie, naging sugalera

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon

Si Barbie Imperial na nga ba ang lucky charm sa pagyaman ni Tanggol (Coco Martin)? Maaaring mag-iba ang kapalaran ni Tanggol sa pagpasok ng karakter ni Barbie sa hit action seryeng FPJ’s Batang Quiapo.

Excited si Barbie sa kanyang pagganap sa bagong karakter na si Tisay, isang singer at suggalera na maaaring magdala ng swerte o patung-patong na kamalasan sa buhay ni Tanggol.

“I am very grateful and thankful to the whole staff of Batang Quiapo’especially kay direk Coco dahil ako ang napili nila na mag-play ng role ni Tisay,” sabi niya.

Handa na rin sa bakbakan si Barbie kung sakaling may ipapagawang actions scenes para sa kanyang role.

Sa kasalukuyang kwento ng FPJ’s Batang Quia­po, mukhang magkakatotoo na ang pagyaman ni Tanggol matapos niyang mag-uwi ng milyun-milyong halaga ng pera nang talunin si Tisay sa pagsusugal.

Si Tisay na ba ang susi sa pagtuluy-tuloy na pag­yaman ni Tanggol o may dala rin siyang  panganib sa buhay ni Tanggol?

Samantala, nananatiling tahimik si Barbie sa sinasabing relasyon diumano nila ni Richard Gutierrez.

vuukle comment

ACTRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with