^

PSN Showbiz

Klaro ng IR1ZZ, lumalakas na!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Klaro ng IR1ZZ, lumalakas na!
IR1ZZ

Wow, napapansin na ang girl group na IR1ZZ na binubuo nina Ginger Anne, Princess Raine, Wynona Miller and Cary Grey. Ito ay dahil sa kanta nilang Klaro.

Ang lakas ng last song syndrome (lss) ng nasabing kanta na very Korean ang tunog.

Pero wala sa plano nila kumbaga na makipagtapatan sa sikat na grupong BINI.

Idol daw nila ang BINI, na sa totoo lang ay ilang taon din naman ang binuno bago talagang naging massive ang success.

“We are a fan of BINI. We’re not here to compete sa kanila, at gusto namin malaman mula sa kanila kung ano ang mga ginawa nila para marating ang sitwasyon nila ngayon. We all know naman na sobrang hirap talagang pasukin ang showbiz,” sabi ng member na si Wynona.

“Yes, we’re idolizing them po. Manifesting na makasama namin sila, para mabigyan nila kami ng pointers kung paano ma-improve ang talent namin,” sabi naman ni Princess.

Anong plano nila para talagang magtagumpay sila?

“We just have to be persistent din, na dapat maging consistent din ang training namin at hindi dapat mapagod sa grupo,” sey naman ni Cary.

Samantala, sina Marian Rivera at Lea Salonga ang idol ni Cary. Si Sarah Geronimo naman ang bet ni Ginger habang si Angel Locsin ang idol ni Princess. At si Anne Curtis naman ang gusto ni Wynona.

Nagkaroon na sila ng major concert last May 22, sa Music Museum kasama ang ibang artists ng Dragons Talent Management and Productions, Dragons Unleashed Concert na mina-manage nina Bambbi Fuentes and Tine Areola. Naging guest nila noon si Ice Seguerra.

Anyway, kakantahin nila ang debut single nilang Klaro sa TiktoClock (GMA 7) sa Sept. 3, hosted by Pokwang, Faith Da Silva, Herlene Budol, Rabiya Mateo, and Jayson Gainza.

vuukle comment

ARTIST

TRENDING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with