^

PSN Showbiz

Carla, dumaranas ng sobrang sakit at paghihirap

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Carla, dumaranas ng sobrang sakit at paghihirap
Carla Abellana

Naka-confine ang Kapuso actress na si Carla Abellana at humihingi siya ng dasal para sa kanyang paggaling.

Ipinost ng actress ang mga larawan ng kanyang dextrose, thermometer na may 39.6 tempe­rature at kanyang blood pressure na mababa naman.

Sa caption niya ay hirap na hirap na raw ang aktres at humihiling sa Panginoon na pagalingin na siya.

“Lord, please, heal me. I’ve been in so much pain and discomfort,” caption niya.

Hindi niya sinabi kung ano ang sakit niya pero todo ang pag-alala ng mga tagahanga niya at netizens sa mga pinakita niyang litrato.

Nakakabahala na raw ang BP nito at dasal nila ay hindi ito chronic disease dahil sa edad nga raw ng aktres ay madalas nagsisimulang maglabasan ang sakit kaya kailangan talagang magdoble ingat.

Inulan siya ng get well soon messages mula sa mga kaibigan, katrabaho at netizens. Pati nga ang katrabaho niyang si Bea Alonzo sa seryeng Widows’ War ay nagkomento ng “Yakap! Pagaling ka” na sinagot ng netizens nang pabiro na sinisisi siya sa nangyari kay Carla kung saan nagbabardagulan ang dalawa sa nasabing serye.

Sa sobrang concerned ng netizens sa aktres ay pinuna ang paraan ng pagkuha ng BP niya na bakit daw sa wrist ito sinuot. Hindi raw ito ganoon ka-accurate kumpara sa upper arm. Sana raw sa upper arm na ito kinuhanan gayung nasa hospital na siya.

May iba ring pumuna na kung sobrang nasasaktan daw ito ay ‘di na nito magagawang mag-post sa social media na dinepensahan din naman ng ibang netizens. Celebrity raw ito at gusto ng ibang fans na maging updated sa nangyayari sa idolo nila. Habang ang iba ay sinabing ang pagkuha ng litrato at teknolohiya ay nagsisilbi na ring diary at journal sa panahon ngayon.

Pero mukhang bumubuti na ang lagay ng aktres base sa post niya kahapon na nakatulog siya nang tuluy-tuloy ng tatlong oras at napa-thank you, Lord.

Pagaling ka, Carla.

vuukle comment

ACTRESS

CARLA ABELLANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with