^

PSN Showbiz

Gerald, ayaw ilihim ang kasal nila ni Julia

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Gerald, ayaw ilihim ang kasal nila ni Julia
Gerald Anderson

Matagal-tagal nang napapabalita ang tungkol sa planong pagpapakasal diumano ni Gerald Anderson kay Julia Barretto. Ayon sa aktor ay hindi naman niya ililihim ang paglagay sa tahimik kung sakali mang mangyayari na ito. “Kapag nangyari man ‘iyon, it’s not something na itatago. I’ll be proud of that,” bungad ni Gerald.

Para sa aktor ay mayroon pa silang kanya-kanyang mga proyekto ni Julia na nakatakdang gawin kaya ini-enjoy muna ang pagiging magkasintahan. “Alam kong cliché pakinggan pero ang dami pang nakalinya, even her. I’m here as a silent supporter. Grabe, alam kong pinaghirapan niya iyan. That’s why it’s been like this kaya kami naging okay for so many years. Kasi sinusuportahan namin ang isa’t isa,” makahulugang paliwanag ng binata.

Patuloy pa ring pinipilahan sa mga sinehan ngayon ang pelikulang Un/Happy For You na pinagbibidahan nina Julia at Joshua Garcia. Masaya umano si Gerald dahil muling sinuportahan ng mga tagahanga ang tambalan ng dating magkasintahan. “Sa totoo lang awkward talaga ng trabaho namin. Nandoon ako sa stiwasyon before. That’s why we tried to be as supportive as possible. I don’t want to steal the spotlight. Pinaghirapan nila iyan and I know how hard it is to work on a movie na gusto mo mapanood ng maraming tao. You just give it to her. It’s her time,” pagbabahagi ng aktor.

Janine, noon pa pinangarap si Jericho

Noon pa raw pinapangarap ni Janine Gutierrez na makatrabaho sa isang proyekto si Jericho Rosales. Ngayon ay kabilang ang dalawa sa Lavender Fields kasama sina Jodi Sta. Maria, Jolina Magdangal, Edu Manzano, Albert Martinez at Maricel Soriano. “One of the things na sinabi ko sa manager ko si tito Leo (Dominguez) before he passed away. When na-pitch pa lang (ang serye), they haven’t mentioned any person yet. Sabi ko, ‘Sana si Jericho.’ Kinuwento ko rin ‘yon kay Echo when we first met. ‘I’m so happy it’s you.’” nakangiting kwento ni Janine sa ABS-CBN News.

Matatandaang nabanggit ni Jericho kamakailan sa isang pahayag na hanga siya sa pagiging isang magaling na aktres ni Janine. Aminado naman ang dalaga na talagang malaki rin ang paghanga kay Jericho bilang isang aktor. “That’s sweet to hear and I am super excited to work with him. Siyempre lahat naman tayo hinahangaan natin siya bilang artista. So masaya ako na kasama ko siya dito as Tyrone and Iris,” giit ng aktres.

Sinasabing si Janine umano ang bagong nagpapatibok sa puso ngayon ni Jericho. Naipakilala na rin ng dalaga sa pamilya ang aktor. “He’s really nice and funny, and sobrang okay siyang kausap. Of course, everybody knows he’s such a good actor and na-enjoy ko din ‘yung mga ekena namin together which is funny ‘coz most of the scene nag-aaway kami. Masaya na off camera, it’s the opposite. I think he’s great. It’s been fun getting to know and hanging out with him outside of work. Masaya naman,” pagtatapat ng dalaga. — Reports from JCC

vuukle comment

ACTOR

GERALD ANDERSON

TRENDING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with