^

PSN Showbiz

Andrea, mina-match kay Caloy

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Andrea, mina-match kay Caloy
Andrea Brillantes.
STAR/ File

Mas magugustuhan daw tiyak ng nanay

Salbahe ang ibang netizens, lalo na ‘yung hindi pabor kay Chloe San Jose para kay Carlos Yulo (as if pakikinggan sila ni Caloy). Nang lumabas ang isyu na crush ni Caloy si , ang dami agad nag-comment na pabor sila sakaling magkaroon ng relasyon sina Andrea at Caloy.

Kesyo, bagay ang dalawa at parehong sikat, kaya hindi makikisawsaw ang bawat isa sa kasikatan ng isa. Pareho rin silang may pera, kaya hindi magiging isyu sa kanila ang datung.

Pinangunahan na rin ang pamilya ni Caloy, lalo na ang mom niya dahil sigurado raw na papabor kay Andrea para sa anak. Kahit daw nagpo-post din si Andrea ng sexy photos sa social media, hindi raw kasing daring ng mga pino-post ni Chloe.

Dito kami natawa. Patatawarin daw ng mga Pinoy si Andrea sa akusasyon sa kanya na siya ang rason ng breakup nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo kung siya ang magiging cause ng breakup nina Caloy at Chloe. Nasa likod daw sila nito at ‘wag daw silang i-disappoint ni Andrea.

Ang dami na agad nilang shippers ang tawag nila sa kanila ay CalBlythe at hindi pa man nangyayari ang kanilang inaasahan, masaya na ang fans ng dalawa.

Ang wish pa nila, gawan ng paraan ng ABS-CBN na pagtagpuin ang dalawa, gawing public at darating sila. Kapag pinagbigyan ng ABS-CBN, may pakiusap sila kay Caloy na ‘wag niyang isasama si Chloe sa meeting nila ni Andrea.

Sen. Bong, proud sa master’s degree ni Lani

Nakakapaglakad na nang diretso si Sen. Bong Revilla nang makita namin sa wake ni Mother Lily Monteverde, pero kailangan pa rin niya ng tungkod.

Ang naaalala namin, nabanggit niya na sa December pa babalik sa pagiging normal ang kanyang lakad at four months na lang ‘yun from today.

Nang pinagsalita sina Bong at Congw. Lani Mercado, ibinalita ng mag-asawa na nag-sponsor ng resolution ang senador para bigyan ng tribute si Mother Lily.

Also, proud husband si Bong sa wifey niyang si Lani sa pagtatapos nito ng master’s degree program. Si Bong ang nagsabit ng medal sa asawa at sa caption nito sa kanyang post sa Facebook, ramdam ang pagmamalaki sa achievement ng asawa.

“Congratulations, Mama Lani M. Revilla, for successfully completing your master’s degree program- Master in Sustainable Leadership and Governance- with Highest Distinction!”

Ang daming nag-congratulate kay Lani dahil dito kasama ang constituents niya sa district 2 ng Cavite City. Ipagpatuloy lang daw nila ni Bong ang magandang ginagawa at pagtulong sa mga nangangailangan.

Inigo, gagawa ng Indie

Muling gagawa ng pelikula si Inigo Pascual at in-announce ito ng Star Magic Philippines. Titled Fatherland ang movie to be directed by Joel Lamangan. Co-produced ang movie ng Ben Tria Productions at Heavens Best Entertainment.

Makakasama ni Inigo sina Ara Davao, na anak nina Ricky Davao at Jackie Lou Blanco, at Allen Dizon na gaganap na ama ng singer-actor sa movie. Ang tagal ding hindi gumawa ng pelikula si Inigo, kaya masaya ang fans nito na muli siyang mapapanood sa big screen.

Nagulat lang kami sa mga comment dahil na-single out si direk Joel at kilala siya bilang si Roda sa Batang Quiapo. Magdidirek daw muna si Roda at may mga hindi alam na director si direk Joel.

vuukle comment

CARLOS YULO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with