^

PSN Showbiz

Carlos Yulo at GF naging showbiz ang relasyon, ina laglag sa paggastos ng kanyang mga allowance

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Carlos Yulo at GF naging showbiz ang relasyon, ina laglag sa paggastos ng kanyang mga allowance
Chloe Anjeleigh San Jose at Carlos Yulo

Nakakalungkot naman ang mga nagaganap sa mag-inang Angelica at Carlos Yulo.

Kahapon nga ay sinagot ni Carlos ang mga sinabi ng kanyang ina kasama ang girlfriend niyang si Chloe.

Nilinaw nga ng double gold medalist ang ugat ng hidwaan sa kanyang ina na kumalat na parang apoy kasunod ng kanyang panalo sa Paris Olympics 2024.

Nakaupo sa tabi ng kanyang girlfriend na si Chloe Anjeleigh San Jose, sinagot nito ang mga isyu sa isang TikTok video, sinasabi nito na hindi inamin ng kanyang ina ang lahat ng mga withdrawal na ginawa mula sa kanyang mga bank account.

Bukod sa incentives, may access din daw ang nanay niya sa bank account niya at monthly allowances sa kanyang training sa gymnastics. At dun daw niya nadiskubre na ang bank account na iyon ay inuubos ang laman ng kanyang ina. At aniya “Mayroon akong mga bank statement na nagpapakita ng mga withdrawal na ginawa niya.”

Sinabi niya rin na nagsimula ang kanilang hindi pagkakaunawaan dahil kay Chloe. “Totoo ‘yan. Simula pa lang, hindi na niya gusto si Chloe, kahit hindi pa niya ito nakikita o nakikilala nang personal,” aniya pa dahil pinanindigan niya si Chloe.

Gayunman, binanggit din ni Carlos kung paano hinusgahan ng kanyang ina ang kilos at istilo ng GF.

“Si Chloe ay lumaki sa Australia,” at iyon ang kulturang alam daw ng karelasyon.

“Ibang-iba ito sa kung paano tayo kumilos, magsalita, at manamit sa Pilipinas,” katwiran ng mahusay na gymnast na parang teleserye sa totoong buhay.

Pagpapatuloy pa niya, “Sabi niya pa na feeling niya daw nilalayo ako ni Chloe sa kanila. Unang-una po, months before nu’n, kasi uuwi ako parang three days mula nu’n, sinabihan ko na sila na mag-i-spend time ako kay Chloe.

“Nagpunta kami sa Baguio, sinama ko si Chloe, nag-spend time kami. Nakikipaghalubilo naman po kami, hindi naman ako nilalayo ni Chloe,” dugtong ni Carlos.

“Nagkita po ‘yung mama ko and ‘yung family ni Chloe twice po. And then, ‘yun, nag-uusap po sila,” aniya pa.

At nang hindi na naging maayos ang sitwasyon, sabi naman ni Chloe, “And the last resort, my family made a group chat na kasama everybody involved because my family wanted to address kung ano ‘yung issues ni mama towards me kasi marami na siyang pino-post (sa Facebook).

“Even though my family knew na marami na siyang pino-post, my fa­mily still welcomed them, treated them with respect and with no judgment na pinaringgan nila ‘yung side ng mom mo, what she had to say about me and our relationship.

“And then, after the group chat, she left, your mom left. Wala siyang narinig anything from my family,” sabi ni Chloe.

Hirit naman ni Carlos, “May recent interview po kayo na kino-congra­tulate n’yo po ako. Kung genuine po talaga kayo, maraming-maraming salamat po. Ina-acknowledge ko po ‘yung pagko-congratulate niyo sa akin.

“Nagpa-flashback pa rin po talaga ‘yung masasakit niyong sinabi sa akin. At ‘yung mga hindi niyo pag-wish well sa akin. Tumatatak po ‘yun sa akin talaga. Ang message ko po sa inyo na mag-heal kayo, mag-move on.

“Napatawad ko na kayo a long time ago po. At sana nasa maayos kayong kalagayan diyan lahat. Tigilan na po natin ito at i-celebrate na lang po natin ‘yung mga ginawa po ng paghihirap, pagsasakripisyo ng bawat atletang Pilipino dito sa Olympics,” paliwanag ni Carlos.

Iba’t iba ang naging reaction dito.

Oo nga naman at sinabi na siyang nagkaayos na sila, pero inilabas pa rin daw nila ang ginawa ng ina na nag-iwan ng masamang imahe.

At sabi nga nila, ang jowa napapalitan pero kung wala ang ina, wala si Carlos na dalawang medalya sa Paris Olympics.

Masyadong showbiz pero at the end of the day mas importante ang pamilya.

vuukle comment

CARLOS YULO

SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with