^

PSN Showbiz

Ivana inaming pinanganak na may ‘attitude face’

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Ivana inaming pinanganak na may �attitude face�
Ivana Alawi

Namatay na ang karakter bilang Bubbles ni Ivana Alawi sa FPJ’s Batang Quiapo. Isang masayang karanasan para sa aktres na mapabilang sa seryeng pinangungunahan ni Coco Martin. “It’s something I’ll treasure for a long time ‘cause this is the first project na parang lumabas ako sa shell ko. And I got to do a lot of things which is action, may comedy kami. Merong romance and you get to do that all in one project and of course, with that ‘yung tulong ni Direk Coco Martin, he was very hands-on at talagang inalagaan niya ako from day one. And I’m very thankful also to the whole cast, the whole team, ‘yung production sobrang babait nila,” nakangiting pahayag ni Ivana sa ABS-CBN News.

Ayon sa dalaga ay tatlong buwan lamang dapat ang kanyang magiging trabaho sa natu­rang serye. Ito umano ang naging usapan nina Ivana, Cory Vidanes at Coco noong isang taon. “This was during the time no’ng kinasal si Lovi (Poe). So sabi ko, ‘Okay po, how long?’ Kasi hindi ko kayang matagal ‘cause I have other work. I have my vlog. I have other commitments also abroad. Tapos sinabi 3 months. ‘Okay, sige 3 months. I’ll do it,’ sabi ko. Kasi gano’n ako eh. ‘Pag papasok ako sa isang trabaho gusto ko ibibigay ko lahat. Hindi ‘yung after one month pagod na ako. Hindi eh, so 3 months taping, okay. Magwa-one year na, so nag-click siya and magwa-one year na. So nag-catch up lahat ng commitments ko. As in nahuhuli na ako,” pagdedetalye ng aktres.

Maayos na nagpaalam si Ivana sa pamunuan ng serye. Naintindihan naman daw ni Coco at ipina­ubaya na ng dalaga sa aktor at direktor kung paano mawawala ang kanyang karakter dito. “Nagpaa­lam ako nang maayos, hindi ko na talaga kaya. He knows when you have so much. Sabi pa sa akin nina Tita Cory, ‘Ano ‘yung death scene?’ Sabi ko, kahit anong gusto ni Coco kasi I trust him and if he thinks that this is the way I should leave the show. Or ito ‘yung dapat pumatay sa ‘kin, hindi na ako nagtanong. I really left it to them. Basta sabi ko, kahit ano pong gusto n’yong gawin hindi po ako nanghihingi ng big exit or anything. Sabi ko, kayo po bahala and I have so much res­pect for Coco Martin and it was a privilege and I still respect him and I still love the show,” paglalahad ng dalaga.

Kamakailan ay pumutok ang balitang tungkol sa pagkakaroon diumano ng ‘attitude problem’ ni Ivana ang dahilan ng pagkakatanggal ng karakter ni Bubbles sa serye. Pinabulaanan naman ng dalaga ang isyung ito. “Minahal ko talaga ‘yung charac­ter kong si Bubbles. So nagpaalam ako, walang nangyaring tinanggal ako or something like that. That’s not true. ‘Yung sinasabi na umalis ako, na hindi pa tapos ‘yung taping, I’ve never done that. Unang-una alam ko malaki ang cost ng production. So kahit lumampas ako ng oras, wala akong commercial (shoot) the next day, walang problema. Hindi ako nagsasabi na, ‘Oh, tapos na tayo, aalis na ‘ko.’ Hindi ako gano’n kasi may production cost. Everyone’s working hindi lang ako. So bakit magdedepende ako sa sarili ko na ayoko na eh, tapos na oras ko. So i respect everyone. ‘Yung attitude problem, hindi ko alam eh. Kasi isa sa mga problema ‘yung face ko. Ito ‘yung normal ha, ‘pag hindi ako naka-smile. I was born with attitude face siguro. Hindi ko alam,” paglilinaw ni Ivana. Reports from JCC

vuukle comment

IVANA ALAWI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with