^

PSN Showbiz

Bela, ‘di nakatiis sa insensitive; DongYan, ‘di nagpabaya!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Bela, �di nakatiis sa insensitive; DongYan, �di nagpabaya!
Marian Rivera.
STAR/ File

Nakaka-inspire ang partisipasyon ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa pagpapahatid ng tulong sa mga nasalanta ng super typhoon Carina.

Sinabi naman talaga ni Dingdong na bilang isang reservist, dapat ay nandiyan sila sa panahon ng sakuna.

Kung unang nakita sina Ronnie Liang at iba pang celebrities na kaagad na tumulong, hindi naman nagpabaya ang iba pang reservists kagaya ni Dingdong, kasama pa si Rocco Nacino at ang beauty queen na si Beatrice Luigi Gomez.

“Ito yung bagay na ginagawa namin as reservists. One of the few things that we do as reservists, kaya kung saan po kayo may pangangailangan, andun kami especially sa GMA Kapuso Foundation right now dito po sa Marikina,” saad niya nang nakapanayam sa relief goods operation na ginawa ng Kapuso Foundation sa Marikina at sa iba pang bahagi ng Metro Manila.

Bukod kay Dingdong, abala rin si Marian sa pagpapa-repack ng mga pagkain at iba pang essentials. Kasama pa niya ang mga anak nila ni Dingdong na sina Zia at Sixto sa paglalagay ng mga pagkain sa bag.

Ibang-iba naman ito sa nakita sa isang social media influencer at entrepreneur na si Cat Arambulo-Antonio na nag-post sa kanyang TikTok account na nasa loob ng kanyang kotse kasama ang kanyang mga anak at yaya.

Sosing-sosi ang pagkasabi na first time raw na-experience ng kanyang mga anak ang ganung klaseng baha. “It’s cool!” naririnig na sinabi ng isang bagets.

Sinabi pa ng isang anak niyang subukang maglagay ng floatie roon sa nadadaanang tubig sa kalye.

“Safe ba mag-floatie diyan yaya?! We try?” hirit naman ni Cat Arambulo.

Ipinakita rin niyang inabot din sila ng baha sa kanilang lugar. Pero na-bash siya nang bonggang-bongga dahil sa napaka-insensitive daw ng ganung komento, at tila out of touch ito sa mga nangyayari sa paligid niya.

Isa rin si Bela Padilla sa nag-react at nag-comment sa nasabing video ng; “You see people risking their lives for their loved ones and your question is if you and your kids can use a floatie here? Come on.”

Ayun! Tinanggal na nito ang TikTok post niyang ‘yun.

Samantala, si Vice Ganda naman ay tumigil na muna sa pagpo-post ng madalas niyang ginagawang content sa kanyang social media account.

Nag-a-update lang ito sa mga nangyayari sa paligid. ‘Yun lang daw muna sa ngayon, at baka isipin daw ng iba na na-hack ito.

Si Sarah Geronimo naman na nag-celebrate ng kanyang kaarawan kama­kalawa lang ay ibinahagi ang kanyang pagdiriwang sa mga naapektuhan ng malakas na bagyong dumaan.

Sabi niya sa kanyang IG post; “As I celebrate my birthday and blow out my candles, my heart also goes out to those affected by Typhoon Carina. Ipinagdarasal ko po lahat ng ating mga kababayang nasalanta ng bagyo at ngayon ay sinusubukang makabangon muli.

“Gusto ko ring magbigay-pugay sa ating mga matatapang na rescue teams na patuloy na nag-aalay ng kanilang buhay para siguraduhing ligtas ang lahat – pati na rin ang ating mga alagang hayop. Napakalaki ng respeto ko sa mga kababayan natin na di pinabayaan ang kanilang mga alagang hayop sa kabila ng peligro na dulot ng bagyo. Nakakabilib at nakaka-inspire po ang serbisyo, katapangan, at kabutihang-loob na walang sawa niyong binibigay. Kayo ang mga tunay na superheroes ng mundo na ito. Maraming maraming salamat.”

vuukle comment

CARINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with