Lovi, nami-miss pa rin si Phoebe

Lovi Poe at Phoebe
STAR/ File

Nami-miss pa rin ni Lovi Poe ang namatay niyang aso.

Maaalalang umuwi siya ng bansa nang pumanaw ang kanyang alagang si Phoebe last February.

Nalaman niyang may sakit ito, may tumor at incurable na.

Post nga ni Lovi kahapon “Can’t get enough of this one. Missed him too much.”

Umalis siya sa Pilipinas last Dec. 5, at Feb. 21 siya bumalik dahil nga sa nangyari kay Phoebe.

Anyway, bukod sa Hollywood film na Bad Man, may sino-shoot na isa pang Hollywood film na wala pang masyadong details si Lovi.

May horror film din siyang nakapila na ididirek ni Richard Somes.

Nagtayo na rin sila ng sariling production company ng kanyang husband na si Montgomery Blencowe na isang scientist / producer, ang C’est Lovi Productions.

Show comments