^

PSN Showbiz

Alden, na-bash sa pagrampa sa Showtime!

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Alden, na-bash sa pagrampa sa Showtime!

Ayan na! May panibagong bash kay Alden Richards at may kinalaman ang paggi-guest niya sa It’s Showtime para i-promote ang Pulang Araw. Binalikan ang sinabi noon ni Alden na forever Eat Bulaga siya, hindi raw pala nito napanindigan ang sinabi.

In fairness, wala naman siyang sinabi na hindi siya maggi-guest sa IS at ang nabanggit lang, hindi siya maggi-guest sa Eat Bulaga noong time na hawak pa ng mga Jalosjos ang noontime show. Respeto raw niya ‘yun sa TVJ, sa Dabarkads at original EB. Iba naman ang IS, ABS-CBN produced ang show na airing lang sa GMA 7.

Anyway, naging masaya ang guesting niya sa IS at ikinatuwa ng mga host at audience na pumunta siya sa audience area para malapitan siya ng fans. Nagulat pa nga sina Vice Ganda at Kim Chiu na pumunta talaga si Alden sa audience.

Sa July 29 na ang world premiere ng Pulang Araw sa GMA 7 sa direction ni Dominic Zapata.

Bea at Boy, nagkaayos na

Muling nag-guest si Bea Alonzo sa Fast Talk with Boy Abunda at may sinabi si Boy Abunda na “This is the interview that people thought would never happen.” Kasunod noon, hiningi ni Boy ang consent niya kung puwede siyang ma-hug.

“So let me start by saying that may I have consent to hug you?” na sinagot ni Bea ng, “Tito Boy, ang hug, hindi na pinagpapaalam.” Sagot uli si Boy ng “Maraming salamat, Bea” at nag-hug na ang dalawa.

Nagka-isyu yata sila nang kumpirmahin ni Boy sa kanyang show na hiwalay na sina Bea at Dominic Roque. Sa statement ni Bea about the breakup, may nabanggit na “Unfortunately some even confirmed our breakup without our consent.”

Pero, sa muling paggi-guest niya sa show ni Boy, ibig sabihin, okay na sila kahit hindi nila in-acknowledge ang issue between them. Nag-guest siya para rin i-promote ang Widows’ War na napupuri ng viewers sa ganda.

Julia, Kapamilya na ulit?!

May pa-teaser ang ABS-CBN na isa nilang talent na magbabalik and this Monday ang reveal kung sino ang tinutukoy nila sa teaser na “The long wait is over. MAGBABALIK NA SIYA! SHE IS READY! ABANGAN 07.15.24 “

Nakatalikod ang aktres na pinahuhulaan na magbabalik at parang pipirma ng kontrata. Kanya-kanyang hula ang Kapamilya fans, may humulang si Nadine Lustre ito. Meron ding hula na si Angel Locsin, Janelle Salvador, Jane de Leon at Sharon Cuneta.

May humula pang si Kim Domingo ang nasa teaser na hindi puwede dahil hindi naman siya magbabalik sa ABS-CBN. Hindi rin puwede si Sharon dahil pumirma na siya ng kontrata a few weeks ago.

Marami ang humula na si Julia Montes ang nasa teaser at mukhang siya nga dahil sa buhok. Saka, nabalita na rin na magsasama sila sa isang series ni Sharon and in fact, excited na pareho ang dalawa.

To be sure, abangan natin ang announcement, today at 12 noon kung tama bang si Julia ang magbabalik sa ABS-CBN o may iba pang aktres na tinutukoy.  

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with