^

PSN Showbiz

Bahay ni Ivana imported ang mga kagamitan, halos P20 million daw ang halaga

Pilipino Star Ngayon
Bahay ni Ivana imported ang mga kagamitan, halos P20 million daw ang halaga
Ivana Alawi.
STAR/ File

Wow, almost 20 million pala ang worth ng brand new house ni Ivana Alawi.

Ayon sa usap-usapan ang sosyal daw ng nasabing brand new house and lot ng sexy star / vlogger.

Imported pa raw ang ibang furniture, inorder sa abroad.

Sabagay mayaman naman si Ivana at malaki ang kita sa pagiging vlogger.

Pero ang isang sure pa diumano, in love pa rin si Ivana sa isang rich guy na handa siyang pakasalan.

Sana all.

SB19 at BINI, niyanig ang Araneta

Yanig na yanig ang buong Araneta Coliseum sa Puregold Nasa Atin Ang Panalo thanksgiving concert kahapon.

Pinagsama-sama nga nila sa isang concert ang hottest group ngayon na SB19 and BINI with Flow G, Gloc 9, Skusta Clee and Sunkissed Lola.

Masasabing isa itong malaking celebration ng OPM (Original Pilipino Music).

Grabe, siksik-liglig ng fans at nakakatuwang makita na super ang admiration nila sa sariling musika natin.

Na naiintindihan nila ang lyrics.

Matagal ding parang walang ganitong kalakas na OPM artists. Lahat talaga, nasa foreign artist ang concentration ng fans. Pero sumigla dahil sa kanila na napagsama-sama ng Puregold.

Ang mas nawindang ang lahat ay nang sumama sa Salamin Salamin with SB19 Justin at ganun ang BINI with SB19.

More than just a showcase ng musical powerhouses, Nasa Atin Ang Panalo, ay nagsilbing thanksgiving event ng ika-500 stores nila sa 25th year nila sa business.

vuukle comment

ALAWI

IVANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with