^

PSN Showbiz

Dennis, pinatulan ng Kapamilya

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Sagot nga ba ng ABS-CBN sa tanong ni Dennis Trillo na “May ABS pa ba?” ang inilabas ng ABS-CBN News kung saan, parang sinagot nila ang tanong nito.

Sa pangunguna ni Noli de Castro na nagtanong kung nasaan ba ang ABS-CBN News, kanya-kanya ng sagot ang reporters ng ABS-CBN. Ang sagot nila ay “Nandito” at binanggit ang mga lugar at channel kung saan mapapanood ang shows ng Kapamilya.

May mga natuwa sa ginawang ito ng ABS-CBN News, pero may mga hindi rin pumabor. Dapat daw hindi na lang sila pumatol, lalo na ang ABS-CBN News at sa halip ay ayusin ang kanilang content.

Buwelta naman ng fans ng ABS-CBN, sa docu lang magaling ang GMA at ABS-CBN pa rin ang pinakamagaling. Bagay na tinutulan ng Kapuso fans, kaya ayun, nagbabardagulan na uli ang dalawang kampo.

Pero, totoo bang matagal nang ads ng ABS-CBN News ang umeere ngayon? Ang tanong ng Kapuso fans, bakit muling inilabas kung totoong matagal na ang ads? Ibig daw sabihin, apektado sila sa tanong na ‘yun nito.

Kathryn, laglag sa dating inner circle

Biniro kaya nina Heart Evangelista at Bea Alonzo si Jericho Rosales sa lumabas na balitang spotted silang nagde-date sa isang museum? Ayon pa sa balita, sumegue sa bar ang dalawa at nakunan ng larawan na magka-holding hands at very sweet.

Kaya namin ito naitanong dahil nagkita-kita na naman ang mga favorite ni Mr. Johnny Manahan na kinabibilangan nina Heart, Bea, Sam Milby, Jericho at John Lloyd Cruz. Hindi nabanggit ni Heart kung saan sila nagkita-kita, ang caption lang niya sa post niya sa kanyang Instagram Stories ay “About last night.”

Sa lumabas na photo, wala na talagang ilangan sina Heart at Jericho, magkatabi sila sa picture at sina Bea at JLC naman ang magkatabi, nasa gitna nila si Mr. M, pero magkatabi pa rin sina JLC at Bea.

May photo pa na may dessert na may candle pa, kaya ang hula ng netizens, isinelebrayt nila ang birthday ni JLC na birthday noong June 24. Parang nagkikita-kita sila kapag may birthday ang isa sa kanila.

Tanong pa rin ng netizens, napag-usapan din kaya ng grupo ang nakanselang wedding nina Bea at Dominic Roque?

Wala sa exclusive dinner na ‘yun si Kathryn Bernardo na sa previous get together ng grupo ay laging present.

Luis at VG Mark, magsasalpukan?!

Wala kaming nabasang hindi pabor sakaling pumasok sa pulitika si Luis Manzano sa mga comment na ni-repost nitong photos nila ni Sec. of Finance Ralph Recto nang bumisita sila sa Batangas.

Malaking pagtitipon ang binanggit na pinuntahan nina Sec. Ralph at Luis. Basta spotted si Luis at may picture siyang nakipagkamay sa isang babae na naka-wheelchair.

Masaya ang mga taga-Batangas sakaling tumakbo nga si Luis sa darating na election at ang mga taga-Batangas na ang nagdesisyon na tumakbo siyang governor o ‘di kaya ay Congressman.

May nag-comment pa na kaya pala marami na silang tarp sa Batangas dahil papasok sa pulitika sina Luis at brother nitong si Ryan Christian.

May tumawag na nga sa kanyang Governor Luis. Naisip namin sa Batangas Vice Governor Mark Leviste na tatakbo rin yatang gobernador sa Batangas sa 2025 elections. Ibig bang sabihin nito, sila ang magkakalaban sa nasabing posisyon?

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with