^

PSN Showbiz

Male host na allergic sa fans, ‘di kinagat ang pelikula!

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

Allergic pala sa nagpapa-picture na fan ang isang male host na kabilang sa isang daily show ngayon.

Nang magkaroon ng special taping ang show para sa isang episode nito, may audience ring pinayagan upang maging audience. Para lumabas na parang live rin ang programa.

Kapag break sa taping, lumalapit ang ilang fans sa studio at nagpapakuha. Pero si male host, nagtatago at ayaw magpa-picture.

May pahayag pa ang host na after ng taping, magkakaroon daw ng chance ang lahat upang magpakuha. Pero agad namang tumatakas ang host at dedma ang abangers sa kanyang fans, huh!

Marami namang fans si male host pero bihira niya itong bigyan ng importansiya kapag pinupuntahan sa show! Kaya naman hanggang TV lang ang kasikatan ni male host dahil pagdating sa movies na nagawa, hindi ito masyadong kinagat ng publiko!

Marian, nag-ingay!

Umarangkada na ang mga pelikulang kalahok sa darating na Cinemalaya ngayong August.

Maingay at malakas ang dating ng movie ni Marian Rivera na Balota na isa sa mapapanood. Panalo naman sa views sa trailer ang Love Child ng Regal na isa rin sa mapapanood sa festival.

Meron daw entry si Mylene Dizon at meron ding documentary ang GMA Pictures na Lost Sabungeros.

Hindi pa inaanunsiyo ang iba pang movies for Cinemalaya na mapapanood na sa Ayala cinemas this year.

vuukle comment

ALLERGIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with