^

PSN Showbiz

Maki gumawa ng kasaysayan, ‘di pa makapaniwala

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Maki gumawa ng kasaysayan, �di pa makapaniwala
Maki

Sunud-sunod ang achievements na nasungkit ng breakthrough artist na si Maki matapos umarangkada sa unang pwesto ang latest single niyang Dilaw sa iba’t ibang local charts at strea­ming platforms, kabilang na ang Spotify kung saan nangunguna sila bilang male OPM artist na may pinakamaraming monthly listeners na umabot na ngayon sa 6.5 million.

Nangunguna rin ang Dilaw sa inilabas na Billboard Philippines Hot 100 at Top Philippines Songs sa unang dalawang linggo (Hulyo 6 at 13) ng nasabing charts. Bukod dito, nakapasok din ang awitin sa Spotify Global chart at nasungkit ang biggest single-day streams para sa isang OPM song.

Umabot din ang awitin sa Spotify Viral chart sa iba’t ibang bansa tulad ng Saudi Arabia, Singapore, New Zealand, Canada, Hong Kong, Taiwan, Malaysia, at United Arab Emirates. Nakuha rin nito ang unang pwesto sa iTunes Philippines kung saan naging fifth best-selling OPM song ito sa nasabing platform habang umani naman ito ng mahigit 10 mil­yong views sa YouTube.

“Hindi pa rin po ako makapaniwala at parang pa rin akong nananaginip. I’m really grateful especially sa mga tao na nakasama na nag-work behind this song. This is just passion for music and I was not expecting anything na ganitong kalaking achievement,” saad ni Maki sa panayam sa ABS-CBN News.

Bukod sa tagumpay ng Dilaw, nakakuha na rin ng mahigit 90 milyong streams sa Spotify ang awitin na Saan? at patuloy itong umaarangkada kasama ang iba pang awitin ni Maki na Kailan? at Sikulo na tampok sina Angela Ken at Nhiko Sabiniano. Nakapasok na rin ang Tarsier Record artist sa ikalimang pwesto sa Spotify Philippines Daily Top Artists.

vuukle comment

SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with