^

PSN Showbiz

Gladys, sigurado na ‘di lolokohin ni Christopher

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Gladys, sigurado na �di lolokohin ni Christopher
Gladys Reyes at Christopher Roxas

Mahigit isang dekada na naging magkasintahan sina Gladys Reyes at Christopher Roxas bago pa tuluyang nagpakasal noong Jan. 23, 2004. Sa mahigit dalawanpung taon nang pagiging mag-asawa ay marami na ring pagsubok na nalampasan ang dalawa. “Alam lang namin ‘yung gusto namin sa buhay, ‘yung gusto namin sa pagsasama namin. Tinitingnan lang namin parati ‘yung maganda,” nakangiting bungad sa amin ni Christopher sa Fast Talk with Boy Abunda.

“I always say, Tito Boy, malaking factor ‘yung faith namin. Iba ‘yung kapag pareho kayo ng pananampalataya. Palagi ko sinasabi, prayers, patience, partnership. And to also respect each other’s indivi­duality, importante ‘yon,” dagdag naman ni Gladys.

Normal lamang sa mag-asawa na nagkakaroon ng tampuhan paminsan-minsan. Ayon kina Gladys at Christopher ay talagang malaki na ang nagbago sa kanilang relasyon sa nakalipas na tatlong dekada. “Hindi si­guro katulad noong kabataan namin. Siguro matanda na rin kami sa pagi­ging magulang. Maliliit na bagay na lang,” pagtatapat ni Christopher.

“Petty na lang, Tito Boy, ayaw na ayaw niya ang bagal ko daw. ‘Bebe ‘yan na naman tayo, late na naman tayo, ang bagal mo na naman,’” natatawang kwento ni Gladys.

Samantala, mayroong mga nakakausap si Christopher sa telepono na hanggang maaari ay ayaw na nitong malaman ng aktres. Wala naman daw itong isyu para kay Gladys. “Ho­nestly, I don’t really mind. Pwedeng oo, pwedeng hindi. Ang problema ko lang, kasi sa parte ng buhay ko ngayon, meron akong mga kausap na, hindi na niya dapat mabasa. Kunyari family ko, baka pagsimulan lang ng ano (away). May mga messages kayo, ‘Yung privacy,” paliwanag ng aktor.

“I don’t check his phone. Hindi ko nga alam ‘yung password niya, minsan hinuhulaan ko. Hindi, kasi kapag nag-mature na kayo sa relationship, nando’n na talaga ‘yung tiwala. At saka kung gusto niyang magloko, sino bang magdadala nito? Eh siya naman, ‘di ba? Hindi naman ako eh. Sino bang niloloko niya, eh di sarili niya. Nando’n ako sa mas confident ako, mas assured ako na, hindi naman gagawin ng asawa ko ‘to. Parang bina-bother mo lang ‘yung sarili mo,” paglalahad ng aktres.

Julia, mas nakilala si Coco sa ibang bansa

Wala nang mahihiling pa si Julia Montes sa kanilang relasyon ni Coco Martin. Ayon sa aktres ay talagang nakasuporta palagi si Coco sa lahat ng kanyang mga ginagawa. “Lagi po siyang supportive. Lahat naman po siguro ng napuntahan ko ngayon, mga narating ko ngayon, parte rin po siya. Una po ang Walang Hanggan (2012), siya po ang nakasama ko doon. Noong nag-e-extra pa lang po kami, kami na ang magkasama. So, parte rin talaga siya ng naging journey ko sa showbiz,” makahulugang pahayag ni Julia sa ABS-CBN News.

Kahit abala sa kanya-kanyang mga trabaho ay sinisikap nina Julia at Coco na magkaroon ng quality time. Naibabahagi na rin sa publiko ang mga larawan ng kanilang mga naging bakasyon sa iba’t ibang bansa. Magkasamang namasyal sa Italy sina Coco at Julia noong isang taon. Kamakailan naman ay sa Barcelona nakapagbakasyon ang dalawa. “Kahit siguro sa magbabarkada po, kapag nagkakasama kayo out of the country or out of town, doon mo mas nakikilala. Masaya po, siguro dahil busy din po siya, deserve niya rin makapagpahinga and makapagsimba din, ‘yon ‘yung mga na-enjoy namin. Ang sarap lang na kahit paano, sa busy natin, lalo na siya sa Batang Quiapo dahil ang dami niyang hats na pini-play, nakapagpahinga siya kahit paano. So blessed kami na magkaroon kahit paano ng ganitong opportunity,” pagbabahagi ng aktres. —Reports from JCC

vuukle comment

GLADYS REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with