^

PSN Showbiz

Marian, maraming bakat ng pasa at sugat

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Marian, maraming bakat ng pasa at sugat
Marian Rivera

Ipinagtanggol si Marian Rivera ng fans at mga nakakaintinding netizens na hindi batayan ang pagsasalita ng English para malamang matalino ka.

Hanggang kahapon ay trending pa rin ang GMA Primetime Queen dahil sa pag-judge nito sa Century Tuna Superbods 2024 noong Martes na ginanap sa Marriott Grand Ballroom.

Pinagpiyestahan ng netizens ang pag-translate ni Marian ng English sa male finalist na hindi nakakaintindi sa Tagalog.

Ang kuwela ng pag-translate ni Marian at na-handle niya nang bonggang-bongga.

Nag-request pa nga ang iba na sana ay bigyan si Marian ng isang full length movie na comedy, dahil nakakaaliw talaga ang aktres.

Kinabukasan ay dumalo si Marian sa press conference ng 20th Cinemalaya 2024, dahil siya ang bida sa pelikula ni Kip Oebanda na Balota.

Natawa na lang si Marian nang tinanong ito sa kanya ng taga-TV5 kung ano ang reaction niya sa pag-trending nito. “Ahh hindi ko alam… basta! I did my best!” natawa niyang sagot.

Sinabi ng director niyang si Kip Oebanda na “she did her best!”

Nung araw ding ‘yun ay nag-post si Dingdong Dantes sa kanyang Instagram account ng mensahe bilang pagmamalaki at suporta sa kanyang asawa.

Sabi ng GMA Primetime King, “Hindi lang ang iyong panlabas na kagandahan ang nagningning kagabi, kundi pati na rin ang natural mong talent sa pagpapasaya at pagpukaw sa puso ng mga Pilipino. Isang masigabong palakpak para sa iyo, Misis ko.

“P.S. ‘Di kailangan i-translate sa ingles, gets niyo na ‘to. (smile emoji)”

Sinagot naman ito ni Marian ng; “Love you mahal ko. Sa susunod ikaw na tatawagan ko para mag translate! (laugh) emoji.”

At lalong ipagmamalaki ni Dingdong ang misis sa pelikulang niyang Balota na ibang-iba sa nagawa niya.

Sabi ni Marian, nung ginagawa nila ito, halos araw-araw ay may uwi siyang sugat, minsan galos o bukol dahil sa mga matitinding eksena.

Totoong ballot box ang bitbit niya habang nagtatakbo sa kalsada, sa talahiban, sa palayan at talagang ginawa ito ng aktres na walang double.

Kuwento ni direk Kip, “Kasi tumatakbo siya sa palayan sa pinakamainit na araw e. ‘Di ba meron tayo nun na hottest heat (index) on record? On that day nasa kalsada siya, tinatakbo niya ‘yung ballot box sa mga talahiban, medyo mahirap.”

Sabi naman ni Marian, “One of these days, ilalabas ko ‘yung mga sugat ko, kasi piniktyuran ko. Kaya niloloko ako ng asawa ko, ‘ano kaya ‘yung iuuwi mo ngayong gabi na ito, after ng shooting mo?

“Kasi first shooting talaga, may pasa, may gasgas, marami. Sabi ko nga direk, may pasa na naman ako. May sugat ako, may bukol, lahat.

“Pero last 2 shooting days namin congratulations, wala!” bulalas niya.

“Pero nakaapak siya ng dyebs nung last shooting day niya,” sabi naman ni direk.

Ipinakita pa ni Marian ang mga natitirang pasa sa braso niya.

“Hindi ko puwedeng maisa-isa. Parang sa bawat eksenang ginawa ko sa loob ng pitong araw, parang laging for me is challenging. Ayan pa. May mga marka marka, pero sabi ko nga mawawala naman yan,” sabi pa ng aktres na sobrang proud sa ginawa niya rito sa isa sa Cinemalaya entrie.

“Excited ako sa mensahe na ibibigay nito sa bawat manonood. Kaya ko ginawa ang Balota dahil sa napakagandang mensahe sa lahat na manonood. ‘Yun ang mahalaga e.

“Sa bawat gagawin kong proyekto, dapat maidudulot niyan kung ano ang mai-contribute mo sa taong nanood.

“So this time, sana kapag mapanood nila ang Balota, sana isipin nila kung gaano kahalaga ang boses nila sa pagboto,” seryoso niyang pahayag.

Ang Cinemalaya 20 ay magsisimula na sa Aug. 2 hanggang 11 at mapapanood ang iba pang entries sa Ayala Malls Manila Bay sa Parañaque City.

Ivana, papalitan ni Kim

Dalawang linggo na lang ay matatapos na ang Black Rider, kaya pa-intense nang pa-intense ang mga eksena. Ang ganda ng trailer ng Pulang Araw na na papalit sa BR.

Kaya ang daming nagko-comments sa radio program namin sa DZRH na tiyak na pinaghahandaan na raw ng Batang Quiapo kung ano ang ipantatapat nila sa July 29.  Ngayon kasi ay napapag-usapan na ang nalalapit na pagpaalam ni Ivana Alawi sa naturang teleserye.

Kinumpirma sa amin ng kampo ni Ivana na kukunan na raw ang last episode ng sexy actress.

Hindi na sinabi kung ano ang dahilan kung bakit tatapusin na ang karakter niya bilang si Bubbles. Nategi na rin kasi roon si Pablo na ginagampanan ni Elijah Canlas, kaya dapat na makaganti raw at dapat mategi raw si Bubbles.

Ang alam kasi naming papasok sa naturang teleserye ni Coco Martin ay si Kim Domingo na hindi namin alam kung wala na ba talaga siya sa GMA 7.

Pero matagal-tagal na ring nagte-taping si Kim sa naturang teleserye. Kaya matinding bakbakan ito simula July 29.

Samantala, sobrang happy ng taga-Widows’ War dahil sa mga consistent na maganda ang ratings nito.

Maganda ang feedback sa naturang drama series at nagte-trending pa minsan ang mga matinding eksena nina Bea Alonzo at Carla Abellana.

 

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with