Alden, pasok sa Heroes

Alden Richards
Instagram/aldenrichards02

MANILA, Philippines — Muling kinilala ang Kapuso stars sa natatanging pagganap nila sa media industry sa ika-7th Entertainment Editors’ Choice, na mas kilala bilang The EDDYS.

Ginanap ang prestihiyosong gabi ng pagbibigay ng parangal noong Linggo (Hulyo 7) sa Newport World Resorts sa Pasay City, na dinaluhan ng ilan sa pinakamala­laking pangalan sa industriya, na pinangunahan nina Gabbi Garcia ng Sparkle, at Janine Gutierrez at Jake Ejercito.

Isang gabi rin ito na hindi malilimutan para sa Kapuso Primetime King at Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, na tumanggap ng Box Office Heroes award para sa kanilang espesyal na mga pagganap sa record-breaking na pelikulang Rewind.

Kabilang rin sa mga tinanghal bilang Box Office Heroes sina Asia’s Multimedia Star Alden Ri­chards at ang kanyang co-star na si Julia Montes sa pelikulang Five Breakups and a Romance.

Binigyang-pugay rin ng EDDYS ang mga haligi ng industriya sa pamamagitan ng Movie Icon award, kabilang sina Gina Alajar ng Asawa Ng Asawa Ko at Nova Villa ng Pepito Manaloto, kasama sina Leo Martinez, Eva Darren at Lito Lapid.

Bukod dito, nakatanggap din ang Abot-Kamay Na Pangarap actress na si Gladys Reyes ng Best Suppor­ting Actress award para sa pelikulang Apag.

Ang EDDYS ay isang taunang pagtitipon na nag­lalayong kilalanin ang mga talento at kontribusyon ng mga filmmaker, aktor, manunulat, direktor, at producer sa industriya ng pelikulang Pilipino. Ito ay inoorganisa ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd), isang non-profit organization na binubuo ng mga dating at kasalukuyang entertainment editors mula sa mga national broadsheet, mga nangungunang tabloid at online portal.

Show comments