^

PSN Showbiz

Grae, may pa-room tour sa Sagrado

Pilipino Star Ngayon
Grae, may pa-room tour sa Sagrado
Grae Fernandez at Bernadette Sembrano

MANILA, Philippines — Ipapasilip ni Kapamilya star Grae Fernandez ang kanyang kwartong tinutuluyan sa set ng Pamilya Sagrado kay Bernadette Sembrano para sa isang espesyal na room raid ngayong Linggo (July 14) sa Tao Po.

Ibabahagi rin ni Grae, na gumaganap bilang Justin na anak ni Piolo Pascual sa serye, kung gaano kadali o kahirap gumawa ng sariling pangalan sa industriya lalo’t galing siya sa isang prominenteng showbiz family.

Makikilala naman ni ABS-CBN reporter Izzy Lee si Yosh Dimen, ang full-time traveler at blogger sa likod ng sikat na The Poor Traveler blog. Inalam ni Izzy kung paano nagsimula ang hilig sa pagbyahe ni Yosh at nagbahagi rin ang blogger ng ilang tips para mas sulit, hassle-free, at masaya ang paglalakwatsa.

Samantala, ipapakilala naman ni Kabayan Noli de Castro si Realyn Naguiling, isang dog lover na dating OFW. Pagbalik ng Pilipinas, muli si Realyn nag-alaga ng aso at nagkaroon siya ng mga asong walang dalawang unahang paa. Ngayon, mayroon siyang 29 na alaga at anim dito ay wala pa ring una­hang paa.

Abangan ang mga kwentong ito ngayong Linggo (July 14) sa Tao Po ng 6:15 ng gabi sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, ABS-CBN News’s YouTube Channel, at iWantTFC.

vuukle comment

GRAE FERNANDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with