Michele, pangarap si Papa P!

Michele Gumabao

MANILA, Philippines — Ipagpapatuloy ng volleyball player na si Michele Gumabao ang naudlot niyang showbiz career nang makilala siya sa isang edition ng Pinoy Big Brother.

Eh dahil nakikila bilang mahusay sa volleyball at volleyball analyst, hindi pa naman agad nito iiwan ang sports na minahal niya.

Pati nga beauty pageants eh pinasok na rin niya pero deklara niya sa mini interview, “hindi na ako kakandidata!”

Ang hosting ang gusto ulit pasukin ni Michele. Ready rin siyang umakting at sina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz at Marian Rivera ang pangarap niyang maksama.

Hindi ba ito conflict sa volleyball lalo na’t sa July 16 eh simula na ng bagong season ng Philippine Volleyball League?

“Kailangan ko ng time management. Usually, umaga naman ang training namin. By lunch, puwede na akong mag-host,” sey ni Michele.

Naging co-host ni Willie Revillame sa dati nitong show. Hindi ba siya kinuha sa bagong show ni Willie?

“Wala naman akong natatanggap na offer. May bago na rin siyang kinuha. Well, maybe kung sakaling kunin niya uli ako,” reason ni Michele.

Michele is under the management of Joel Roslin na manager din nina Jose Manalo at Wally Bayola.

Show comments