^

PSN Showbiz

Richard, gwardyado ang like kay Barbie

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Richard, gwardyado ang like kay Barbie
Barbie Imperial

MANILA, Philippines — In fairness kay Barbie Imperial kahit marami ang bashers dahil sa pagkaka-link kay Ri­chard Gutierrez, marami pa ring pro­jects na dumarating sa kanya. Isa na rito ang Pelikulang How To Slay A Nepo Baby na pinagbibidahan nila ni Sue Ramirez. Sa July 31 ang showing ng movie sa direction ni Rod Marmol, produced ng Happy Infinite Films and distributed by Viva Films.

Naniniwala naman ang supporters niya na hanggang pamba-bash lang ang kaya ng ha­ters ng aktres at hindi naman sila nanonood ng pelikula, kaya wala raw saysay ang pamba-bash nila sa kanya.

To the rescue pa nga ang fans niya, kung hindi raw manonood ang bashers, sila manonood. Kahit trailer pa lang ang kanilang napanood, alam daw nilang maganda ang pelikula, something to be proud of at kahit si Richard matutuwa.

And speaking of Barbie and Richard, inaabangan ng fans at netizens na rin kung kailan uli maglala-like si Richard sa post nito. Ni-like kasi ng aktor ang post ng aktres na nasa pool at suot ang two-piece swimsuit. Like pa lang ang ginawa niya, pero nabulabog na ang fans.

Kathryn, nahanapan ng isyu sa bilbil

Wala na sigurong mai-bash kay Kathryn Bernardo kaya pati bilbil at pagiging sakang daw nito ay pinuntirya. Ito ay pagkatapos ng dance number niya sa isa niyang endorsement.

Kaya lang, sanay na siya sa leg shaming na paulit-ulit na ikinakabit sa kanya tuwing may fans na galit sa kanya. Sa isang vlog nga, natatandaan naming in-acknowledge niya ang tungkol dito at hindi niya ikinahihiya. Na-highlight pa nga ang legs niya sa suot sa dance number niya.

Comment ng kanyang fans, bakit siya mahihiya sa maliit na imperfection ng kanyang katawan kung tanggap siya ng tao, maraming nagmamahal.

Isa pang pinansin ng bashers ay ang suot at dance number niya sa nasabing event. Sa status daw niya, hindi na niya kailangang gawin pa ‘yun. Kaso nga pumayag siyang gawin at walang masama sa sexy dance niya.

Numbers don’t lie, nagustuhan ng madlang people ang sexy dance niya and within 14 hours after posting at maging viral, umabot agad sa 16M plays.

Aga, bumilib din kay marian

Pati si Aga Muhlach, napa-comment sa post ni Dingdong Dantes tungkol sa isyu ni Marian Rivera. Nakahanap na naman ng ipamba-bash kay Marian ang non-fans nito at pinuna ang pronunciation ng aktres in asking her question to the contestant.

Actually, tama naman ang English translation niya sa tanong niya in Tagalog, may mga taong ayaw lang talaga sa kanya. Hanggang ngayon, bawat kilos at sabihin ng aktres, may comment pa rin sila.

Natutuwa naman ang fans niya sa “ingay” na dala ng isyu, pinatunayan lang daw na relevant pa rin ang aktres.

Pati pala trailer ng Balota, may mga pumuna rin. Bakit daw ang mukha at damit lang ni Marian ang marumi?

Ang suot daw nitong ID ay malinis at walang putik. ‘Kaloka ‘di ba?

vuukle comment

BARBIE IMPERIAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with