John, nakaalala

John Estrada at Anechka.
STAR/ File

Isang bagay ang ikinagulat ko ha at iyon ay ang kindness ni John Estrada.

Nagulat talaga ako na may concern pala siya at worried sa kalagayan ko.

Iyon bang gusto niya na sana maging maayos ang lagay ng kalusugan ko at gumaling ako.

Ang sarap naman na inaalala ka pala ng isang John Estrada.

Siguro tingin niya sa akin extension ng manager niyang si Douglas Quijano kaya gusto niya ay gumaling ako.

Very touching naman lalo pa nga at hindi naman kami ganun ka close ni John. Hindi ko malilimutan iyon concern niya at forever grateful ako sa kanya dahil dito.

At gusto ko rin siyang i-congatulate dahil proud parent siya sa anak na si Aneckha.

Aniya sa isang post, first honor ang anak niyang 12 years old.

“Hello mga Bestfriend My Beautiful people ...

“I Feflex ko lang ang pag ka 1st honor ng anak ko, sa school nila ang tawag e over all Gold awa­rdee sya, hay ang sarap sa pakiramdam

“Anyway congratulations my Love, didi cant be more proud, i know how hard you worked for this and you deserve every inch of it .....

“I always tell you that even without these awards, I will still always be proud of you and you would always be Great in my eyes “I love you so much.”

Ang sweet naman ni John.

Daughter nila ng misis niyang si Priscilla Meirelles si Anechka.

Sa isang British school nag-aaral ang anak nito na kabilang sa mga parangal na natanggap ay para sa English, Science, Approach to Learning in Drama; achievements in global citizenship award for community building, and contribution to the wider life of the school; “the Gratitude award”; and, overall achievement gold award.

Sosyal.

Iba na pala ang mga subject sa elementary ngayon. Pero  malalaki na ang mga anak ni John kay Janice de Belen.

Show comments