^

PSN Showbiz

Dominic, binawi ang like kay Bea

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Dominic, binawi ang like kay Bea
Dominic Roque.
STAR/ File

Ni-like ni Dominic Roque ang post ni bea alonzo ng cover niya ng July issue ng Tatler Philippines  sa Instagram mismo ng Tatler at hindi sa post ni Bea, kaya hindi makikita. Tsinek namin ang IG ng Tatler, wala na ang pangalan ni Dominic na isa sa mga nag-like. Dinelete kaya nito ang pagla-like niya dahil marami ang nakaalam?

Anyway, binibiro si Dominic na hanggang pagko-congratulate na muna siya sa mga bagong engaged na couple. Kinongratulate nito sina Ryan Bang at fiancee na si Paola Huyong. Kinongratulate rin nito sina Zeinab Harake at Bobby Ray Parks at patuloy na magko-congratulate kapag may mga kaibi­gang engaged na.­

And speaking of Dominic, tama ba ‘yung balita na break na sila ni Bea nang sabihin niya sa isang interview na invited si Kathryn Bernardo sa wedding nila ng aktres? Kaya nagulat ang madlang people dahil after a few days na lumabas ang pahayag niyang ‘yun, nalamang hiwalay na pala silang dalawa.

Shaina, nagpaliwanag sa lovelife

Sa report ng ABS-CBN News, nilinaw ni Shaina Magdayao ang relasyon nila ni Piolo Pascual at friendship lang daw talaga ang meron sa kanila at wala silang love angle. “I guess, ‘yung friendship namin nagkaroon ng isang branch. Kasi, ‘di naman namin na-explore ‘yung showbiz side. But now, we can say na parang, okay, medyo nakapagtrabaho na kami. And medyo makikilala niyo ulit ‘yung isa’t isa sa kung paano ‘yung discipline ng isa’t isa with the craft,” ani Shaina.

Paglilinaw pa nito, wala ring na-rekindle sa kanilang dalawa dahil hindi nga naging sila.

“Nari-rekindle, ano ba ‘yun? Parang wala namang nari-rekindle na nangyayari. But definitely may bagong... like what I said, may bagong side of him ang nadi-discover ko every bubble. And, I guess ako rin. Like, this is the Shaina that he’s never really seen.”

Sabi pa ni Shaina, wala silang love angle ni Piolo. “Like what I said, at this point in my life, parang hindi ‘yun ang naha-highlight sa akin ngayon. Parang we already know na at this point in our friendship. No matter what happens, no matter in our lives or in our careers, we’re always gonna be there for each other. That’s what I can say,” pagtatapos ni Shaina.

Magkasama sina Shaina at Piolo sa Pamilya Sagrado ng ABS-CBN, kaya siguro lumutang na naman ang isyu sa kanilang dalawa.

vuukle comment

IG

TATLER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with